"Ang Nakaraan"

7K 18 0
                                    


Sa mga telenobela ang nakaraan ang susi upang malaman ang huling pangyayari sa palabas     Ngunit pag inaalala ko ang nakaraan... Ang dala lang nito ay sakit at kapighatian

Nakaraang patuloy na nagpaparusa, Nakaraang nagsilbing impyerno sa mundong aking kinabibilangan.... Hindi na alam ang mararamdaman... Magagalit ba? Maghihinagpis o Madadamdam na lamang... 

Puso't isip naguguluhan, naglalaban at halos magpatayan... Hindi alam ang gagawin Hindi alam ang iisipin... Ano na ba ang tama at mali at sino na ba ang kaharap ko sa antikong salamin na ito.. hindi na kilala ang sarili dahil sa nakaraang dumikit ng husto, sa systema ko

Bakit ganito? Bakit ayaw mo akong pakawalan! Parang isang leon na, nakakulong sa isang rehas na hirap at nagwawala... Katunggali ang sarili at halos mawala na ang tinong pagiisip.... Nakaraan! Pakiusap, ako'y pakawalan at bigyan ng kapayapaan 



TAGALOG SPOKEN WORDSWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu