"PAGOD NA KO"

863 1 0
                                    

Pagod na ko
Oo pagod na ko
Pangiti ngiti lang ako
Pero pagod na pagod na ko
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko
Ginagawa ko na nga ata lahat pero parang di parin sapat
Lumalabas ako magisa
Nililibre ang sarili ng milktea at kung ano anong pa pero bakit parang di parin sapat?

Nararamdaman mo ba yung nararamdaman ko? Kasi tingin ko ang sagot ay Oo...
Yung tipong pagod na lang ang nararamdaman mo at wala nang iba pa
Pagod ka yun lang...

Masyadong nang nakain ng pagod ang sistema mo na pati ang nagbibigay ng lakas mo hindi mo na makita masyado kang nabubulag ng pagod at pati ang pagiisip mo ay tila hindi na tama ang takbo puso mo ay tila iba na ang tibok

Pagod na ko at yan lang ang sinsambit ko
Hindi lang ng bibig ko kundi pati ng puso isip at kaluluwa ko
Nakakapagod magaral
Nakakapagod maging Anak o Ate man
Nakakapagod na magkunwaring masaya ngunit hindi dapat ganito hindi dapat malugmok dito kailangang lumaban
Kailangang tumayo muli at bumangon sa aking kinahihigan hindi pedeng hanggang dito na lang mahirap man ngunit magiging sulit naman ang lahat alam kong kakayanin ko dahil kasama ko ang nagiisang tagapagbigay ng lakas at buhay bawat oras ay biyaya ang kanyang hatid kahit ako man ay hindi karapat dapat nandyan Siya

Oo alam kong pagod ka na kasi nakakapagod naman talaga ngunit maniwala ka kakayanin mo yan kakayanin mong malampasan yan hindi ka Niya papabayaan kailanman

TAGALOG SPOKEN WORDSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant