"SINO BA AKO?"

5.6K 21 9
                                    

Sino ba ako para lumapit sayo
Sino ba ako para kausapin ka
Sino ba ko? Isa lang naman akong hamak at makasalanang taong wala nang ginawa kundi sumuway at piliing wag makinig sa boses mong pilit na kumakatok sa aking pusot isip

Sino ba ko? Eh lagi lang naman kitang sinisisi sa mga nangyayare
Nagtatanong bakit ba ako? Bakit ba nabubay pa ko? Bakit ba ganito ang buhay na meron ako? Bakit ganito ung naging mga kaibigan ko? Bakit lagi na lang siya ung magaling siya ung matalino? Bakit hindi makita na eto ako? Totoo ka ba talaga? hindi naman kita nakikita pero bakit sa tuwing nalulungkot ako hindi ko alam nandyan ka pala Isa akong lang akong hamak na makasalanan isang maduming nilalang na naghahanap at patuloy na nagpapakasasa sa mundong kinabibilangan

Sino ba ako para mahalin mo eh pilit naman akong lumalayo sayo pero bakit lagi mo na lang akong sinusundan kahit saan ako magpunta at kahit sino man ang kaharap ko nandyan ka alam mo nakakainis na pero bakit hindi ko magawang palayuin ka kasi siguro sa sobrang sanay ko na nandyan ka hindi ko na alam kung pano pa mabuhay kung wala ka

Oo kilala na kita Oo naniniwala na ako Oo nandito na ko sa puntong to pero Sino ba ko? Patuloy pa rin sa ang pagtatanong dahil patuloy pa rin ang pagkakasala ko at lalo pang tumindi ang gyerang hinarap ng ikay makilala bawat galaw koy dapat tama at bawat salita ko ay dapat maganda upang hindi mahusgahan ng iba kung totoo ka bakit mas humirap hinaharap ko sa daang pinili kong tahakin ngayong alam kong nandyan ka talaga

Panginoon patawad lumalapit muli sa inyong harapan dahil hindi na alam kung tama pa ba aking daan O mali na? Ay mali! Haha mali na nga pala talaga
Pilit na ipinapasok ng mundo sa systemang ito na wala na akong pagasa ngunit sabi moy nandyan ka hindi ako iiwan o pababayaan man kayat Panginoon sumusuko ako at pinapaubaya ang lahat sayo tulungan mo ako dahil hindi ko na alam kung Sino ba ako

TAGALOG SPOKEN WORDSOn viuen les histories. Descobreix ara