"Fun Run"

1.9K 2 0
                                    

(A/N: Dahil FEBibig na gumawa ako ng medyo hugot na spokenword hahaha hope you'll like it)

Minsan na akong sumali ng fun run
Yun yung panahong kasama kita at sabay tayong nagtatakbuhan ang mga ala alang hanggang doon na lang ang hangganan

Habang tayoy tumatakbo biglang pumasok sa isip ko ayoko nang matapos ito ung mga panahong tumigil tayo para lang ayusin mo ang sintas ng sapatos ko at kung paano mo hawakan ang kamay ko at sinabing kaya mo to malapit na tayo

Pero bigla akong nadapa, hindi mo namalayan at bigla ka na lamang nawala naiwan akong magisa at sinintas ang sapatos kong lumuluha bakit ka nawala? napagod ka na bang intayin ako? Siguro nga....
Naiwan ang mga ala alang tumatakbo sa isip ko habang sinusubukang tapusin ang takbong tayong dalawa dapat ang tumapos pero ako na lang magisa

Sa kabila ng lahat ito ay naging masaya sa mga oras na wala ka marami akong nadiskubreng kakaiba na kaya ko pala, na masaya pala kahit wala ka, na kakayanin ko pala at matatapos ko pala ang funrun ng masaya kahit nauna ka na at nawala dahil nasa piling ka na ng iba

At ngayon tapos na kasabay ng pagtapak ko sa finish line don na rin natapos ang lahat sa pagitan nating dalawa nakakalungkot pero okay na rin na ganito natapos na ang unang fun run na sinalihan ko ung funrun na nagumpisa akong kasama ka ngunit tinapos itong magisa ngayong araw na ito sasali akong muli sa funrun kahit ako na lang magisa kasi alam ko nang kahit wala ka ay magiging masaya

TAGALOG SPOKEN WORDSWhere stories live. Discover now