"Akala"

1.1K 2 0
                                    

Sabi nila maraming namamatay sa maling akala at oo pinatay mo ako sa pagaakalang tayo na habangbuhay

Akala ko ikaw na pero sa tinagal tagal ng panahon hindi pa rin pala
Ilang taon na nga ba tayong magkasama? Naaalala mo pa ba? Nung una tayong magkakilala kung pano mo ko niligawan at kung pano kita ibalewala kasi alam kong mawawala din naman ang lahat pero ako tong si tanga nahulog at binalewala lahat ng mga posibilidad at mga pedeng mangyare sumugal ako dahil akala ko magiging masaya na ko dahil akala ko ikaw na ang huli akala ko hindi na ko masasaktan pero akala ko lang pala yon

Ang sakit ang sakit sakit pinatay ako ng pagaakalang planado na ang hinaharap nating dalawa kasi kailan lang yun ang pinaguusapan natin kung saan gaganapin ang kasal kung saan tayo maghhoneymoon kung anong klaseng bahay ang titirhan nating dalawa at kung ilan ang gusto nating anak pinlano natin to pareho pero ang lahat ay bigla na lang naglaho na parang bula

Hindi ko malilimutan ang gabing yon ilang beses kitang tinawagan ilang beses kitang tinext gusto ko kasing maayos na ang lahat gusto kong makipag ayos dahil ayokong matapos ang ilang taon na ganito na lamang pinatay mo ako sa pagaakalang dadating ka pinatay mo ko dahil ang sabi mo dadating ka nagintay ako at halos abutin na ko ng umaga sa pagiintay sayo pero walang ikaw na dumating habang pauwi ako hindi ko mapigilan ang pag tulo ng aking mga luha pilit pinapakalma ang sarili dahil tila hindi na kaya ng puso ang sakit na dinulot mo

Ilang araw ang lumipas sinabi mong wag na muna tayong magusap kahit na nasasaktan pikit mata akong ngumiti dahil akala ko may pag asa pang maayos at maibalik ang lahat

Pero isang araw nagulantang ang mundo ko nakita kita sa video ng isang babae at napakasweet niyong dalawa nabato ako sa kinalalagyan ko dahil nakita ko pa ito sa telepono ng kaibigan ko kaya pala hindi kita makita dahil binlock mo ko binlock mo ko sa buhay mo at dun mo na ko pinatay

Namatay ako sa pagaakalang totoo ang mga sinabi mong mahal mo ako
Namatay ako sa pagaakalang hindi ko ipagpapalit at ako na lang habngbuhay
Namatay ako sa pagaakalang magiging ayos pa ang lahat
Bakit mo sinabing wag muna kung pwede namang diretsuhin mong wag na! Nagmuka akong tanga girlfriend mo ko pero makikita kong may kasama kang iba at napakasweet niyo pa sana sinabi mo na lang na ayaw mo na hindi yung makikita kong di pa tayo ok may iba ka na

Ang sakit sakit pero tandaan mo to mabubuhay ako san panahong to nasa hukay ako pero nandyan ang mga kaibigan ko at mga mahal ko sa buhay para tulungan ako siguro ngayon hirap ako pero dadating ang oras na magiging okay na ko at maipapakita ko na sayong masaya na ko kahit wala ka na sa buhay ko tatayo ako at lalakad sa bagong mundo kung saan wala ka at hindi ako maghahanap ng iba dahil ayokong makasakit pa maghihintay ako sa tamang tao at sisiguraduhin kong hindi na ko mamatay ulit natuto na ko at ayoko nang mamatay ulit sa maling akala

(a/n: hindi po ako broken hahaha it's actually inspired sa isa kong friend kaso the other way around boy siya at si girl ang nanloko ginawa ko lang boy yung nanloko dito para mas may feels kasi gurl ako hahaha)

TAGALOG SPOKEN WORDSWhere stories live. Discover now