"TATAYO AKO"

609 2 1
                                    

Minsan akoy lumaboy magisa at tila naging isang malaking entablado ang paligid may kanya kanyang palabas bawat taong nakakasalubong ko ngunit may pumukaw ng aking pansin isang batang napaka cute nga naman ang sarap pisilin
Hawak siya ng kanyang ama
sabay na naglalakad at sabay ding nagkukulitan at nagtatawanan
Nagulat ako nang madapa siya ngunit hindi siya umiyak o kung ano man bagkus ngumiti ito at tumayo lamang habang hawak ang kamay ng kanyang amang umaalay at umaakay sa kanya
Ang buhay ng tao ay hindi puro saya lamang mayroon ding sakit at kabiguan
Pisikal
Emosyonal
Pinansyal
at Espirituwal
Dito lamang papatak ang iba't ibang mga problema at sabihin mo man o hindi alam kong lahat tayo ay may hinaharap na problema
Minsan na kong sumuko at hindi ako katulad ng batang iyon na tumayo at parang wala lang sa kanya nawalan ako ng ganang mabuhay dahil sa mga problema masyadong madami at halos hindi na kayang bilangin sa kamay kung iisaisahin ko pa
Pero hindi natutunan kong hindi dapat
Hindi ako dapat sumuko
Hindi ngayon
Sa layo na ng nilakbay ko
Hindi ako pedeng sumuko ngayon
Tatayo ako
Madapa man ako ulit tatayo ako
Tatayo ako katulad nung batang nakita ko
Masaktan man ay may ngiti sa aking labi dahil alam kong hawak ako ng aking Ama
Hawak Niya ang aking kamay at sabay kaming maglalakbay
Aakyatin ang bawat bundok at haharapin ang bawat pagsubok
Matagal na akong tagumpay dahil may isang Siya na nagtagumapay na sa mundo
Siya ang namatay sa krus ng kalbaryo para sayo at para sakin
Siya ang tutulong sayo at hindi ka niya papabayaan maniwala ka
Pag nadapa ka? Tumayo ka ulit aakayin ka niya at aalalayan sa bawat hakbang ng iyong buhay

TAGALOG SPOKEN WORDSWhere stories live. Discover now