"NAWAWALA AKO"

7.2K 18 6
                                    

Nawawala ako, hindi alam kung saan naroroon, ngayon ako'y naghahanap at pilit na niloloko ang sariling ayos lang ang lahat

Nakakapagod. Nakakapagod magkunwaring okay ka, nakakapagod maghanap sa sarili mong, hindi alam kung saan ito matatagpuan

Nawawala ako, nawawala ang masayahing ako, napalitan ang ngiti ng luhang hindi mapigilan ang pagtulo sa bawat gabing nagdadaan, Nawawala ang matalinong ako tila naging isang mangmang sa harap ng lahat, hindi ko alam pero para akong nakatali sa isang upuan na may malalaki at malalapad na lubid at sa bawat galaw sakit ang nadaramang unti unti pumapatay sa akin

Bakit? Bakit ba ko nawawala?! Wala naman akong ginawa para mawala, hindi naman ako bumitaw, pilit naman akong humawak, ginawa ko naman ang lahat para kumapit pero bakit nawawala ako? dahil ba sa mga taong nakapaligid sakin o dahil sa akin mismo. Sabi nila dahil daw sakin! ako lang daw yun! ako lang ang nagiisip nun ako lang ang mali! Bakit ba walang nakakaintindi!

Hindi ko na alam kung magiging matapang pa ba o magiging isang daga na lamang na may kaharap na leon naduduwag na gumalaw o magsalita na tila naputulan ng dila. Nasan na ba ko? Dahil sa aking paghahanap iba't iba nang pintuan aking napapasok hindi alam na ang bawat pintong aking pinapasukan ay dagdag pala sa gyerang aking hinaharap

Sirang sira na aking emahe
Sirang sira na aking puso
At malapit na ring masira aking ulo
Natatanga na sa mga nangyayare
Natotorete at Halos gusto nang mamatay sa sariling mga kamay
Ano pa bang halaga ng buhay kung wala ka nang nagawang tama o maganda, patuloy ka pang hinuhusgahan ng mga "perpekto" nilang mga mata kasabay pa nito pagkakalat ng kung ano anong balitang hindi naman totoo na lalo lamang dumadagdag sa bigat, sakit at pasakit na binibigay ng mundong ito

Ayoko na nakakapagod na pero paano ba ko titigil? Gusto kong makita! Dahil unti unti nang namamatay aking kaloob looban at tila ang puso koy gusto nang bumigay at tumigil sa pag tibok... Ayoko na ngunit kailangan kong maghanap Nawawala ako! Please hanapin mo Ko! Gusto ko nang makawala sa taling ito! Pakiusap ang sakit sakit na!! Hirap na hirap na ko! Tama na!!! Nawawala ako please tulungan Mo ko

TAGALOG SPOKEN WORDSWhere stories live. Discover now