"Oras na"

2.5K 5 0
                                    

Oras na
Mga kandilay paubos na
At mga bulaklak ay isa isa nang nalalanta
Hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa kaisipang ikay lilisan na at hindi na babalik pa

Oras na ba talaga?
Pwede bang wag muna? Kasi pag umalis ka hindi ko na alam anong magagawa pa Bakit kailangan mong lumisan? Bakit mo ko iniwan sa napakabilis na paraan? Bakit ikaw? Sa dinami dami ng tao gusto kong sumigaw pero ang nagagawa ko lamang ay umiyak

Oras na para umalis ka
Unti unti nang tinatahak ang daan papuntang simbahan kasabay ng
mga matang lumuluha at mga pusong nagluluksa sa iyong pagkawala

Oras na
Hindi ko na mapigilan ang mga luhang kanina pa nagngitngit sa aking mga mata
Nagunahan na sila na tila nagkakarera
Ibinababa na ang munting kahon na iyong pinaglalagyan at ito ang nagsilbing patandaang oras na

Wala ka na pero ang mga ala ala mo'y sariwa sa puso't isip ko pa
Ngayon ay nakatulala lamang sa kawalan at iniisip ka, iniisip kung paano na ko ngayong wala ka na

Oras na para tumayo sa sarili naming mga paa at ipagpatuloy ang buhay kahit wala ka na
Salamat sa lahat kahit kulang ang salitang iyon sa isang katulad mo
Oras na para maging proud ka sakin kaya tanawin mo lang ako mula dyan kasi sisiguraduhin kong papangitiin kita, papangitiin ko kayong dalawa ni ama

(An open letter to ina)

TAGALOG SPOKEN WORDSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें