"IDOLO"

3.4K 13 0
                                    


Hilig kong manuod ng k-drama lumaki man ng husto ang eyebags ng todo ay okay lang basta makapanuod ng k-drama

Mahilig ako sa kpop
Hindi man maintindihan ang kanta nila basta para sakin ito ay maganda isama mo pa ang mga koreanong ubod ng gwapo at ganda ng katawan todo ang galaw at ang daan papasok sa puso kong mabilis ang tibok pag nasusulyapan sila

Gabi man o umaga nagpapatansya sa mga koreanong lalaking hindi naman ako kilala
Bakit kasi ang gwapo nila! Nakabalandra mga litrato nila sa dingding ng kwarto kong maliit lang para kunware parang nandyan lang sila

Pero may biglang kumatok sa makitid kong pagiisip 'Alam mo bang iniidolo mo na sila?' Noong unay hindi ko maintindihan ang sinabi Niya ngunit ngayon ay malinaw na

Tama siya! Iniidolo ko na sila na naging dahilan ng halos paglimot ko sa Kanya! Wala na kong oras sa Kanya at parang nawalan na rin Siya ng puwang sa buhay ko

Masyado akong nabulag ng mga koreanong lalaking hindi naman ako kilala at dahil doon ay nalimutan ko Siya

Na ang idolo ay hindi lamang sa pagsamaba ng rebulto o ginto't iba pa kundi sa pagbibigay ng oras, puso, isip, effort at maraming pang ibang nakahihigit sa mga nagagawa ko para sa Kanya

Iniidolo mo siya oo siya at hindi Siya tingnan mo ang pagkakaiba ngayon at noon pero sa totoo lang wala naman talaga nakakalungkot dahil ang mga rebulto ay napaltan lang tao

Palagi mo sanang tatandaan ang pagkakaroon ng idolo o ibang diyos liban sa Kanya ay isang malaking kasalanan alam kong crush mo siya pero minsan hindi na kasi ganun ang nakikita Niya

Wag kang mawalan ng oras Kanya dahil hindi Siya nawalan ng oras sayo bumawi ka na ngayon kasi baka bukas mamalayan mo na lang huli na pala ang lahat hindi magka rhyme pero okay lang yan ang mahalaga basta malaman mo na habang maaga pa lang

TAGALOG SPOKEN WORDSWhere stories live. Discover now