SWP- BITAW... LABAN

16 1 0
                                    

Kung sakali mang subukin tayo ng panahon,
At pagkaitan tayo ng pagkakataon,
Sa kabaliktaran ng tulang 'to,
Huhugot ng inspirasyon.

"Bitaw... Laban"
-Reverse Poetry-

Kalilimutan ang ating sumpaan
Walang katotohanan na
Ikaw ay aking ipaglalaban
Hindi magdadalawang isip na
Bitawan ka
Hindi ko kayang
Tayo ay magpapatuloy pa
Sa panahong wala ng kislap
At mawalan ng gana
Pareho tayong mapapagaod
Kahit na
Subukan pa nating isalba
Wala na tayong pag-asa
Huwag mong isiping
Kakayanin natin
Sapagkat
Pagsuko na lang ang natitirang solusyon
Hindi totoong
Tayo pa rin sa paglipas ng panahon.

Read Upward.

Hikbi Ng Pluma (Spoken Word Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon