Tala
•••
"Hangga't may tinta ang aking pluma,
Hangga't nakabubuo pa ng mga salita at tugma,
Ikaw ay mananatiling tala
At paksa ng aking mga tula."
•••Tala ang pinagmamasdan sa kalangitan,
Ngunit mukha mo ang ipinipinta ng aking isipan,
Kalawakan ang nais kong mapuntahan,
Ngunit sa pagitan ng mga bisig mo, sarili ko'y natagpuan.Tala ang minsa'y nasisilbing liwanag sa kadiliman,
Kagaya sa kung paano mo ako natagpuan,
Madilim at tanging hikbi ang mapakikinggan,
Ngunit dumating ka upang ako'y tanglawan.Tala ang pumupuno sa malawak na kalangitan,
Kapag nawala ang tala ay siya namang pagbuhos ng ulan,
Kaya ako'y nangamba baka muling masaktan,
Ngunit pinangako mong hindi ka lilisan.
![](https://img.wattpad.com/cover/56559526-288-k808034.jpg)
YOU ARE READING
Hikbi Ng Pluma (Spoken Word Poetry)
Poetry#AWBC2019 #FidelisWinner #GoblinWinner Hindi man masabi ng bibig ang nais ipabatid. Hawakan ang pluma at hayaan ang tintang magpahayag ng mensaheng nais ihatid. 📝 ••• Thanks to @sorrowedchicc for my book cover 💜 •••