Pananalig

9 0 0
                                    

Pananalig
Reverse Poetry

Ang Diyos na ang bahala sa bawat pangamba
Manalig ka,
May pag-asa pa!
Kalokohan!
Maniwala ka, pinabayaan niya na tayo
Mapupuno ng takot ang mundo,
Mawawala ang ngiti sa labi ng mga tao,
Huwag ka maniwala sa mga salitang,
Babalik sa normal ang lahat.
Huwag kang mawalan ng pag-asa.
Mali!
Tumigil ka!
Hindi na maibabalik ang dating sigla,
Tila nawawalan ng tono ang bawat musika,
Hindi na makasasabay sa ritmo at
Tila nagiging parehong  kaliwa ang mga paa,
Lahat ay pagod na.
Hindi totoong,
Ang iyak ay mapapalitan ng tawa,
Ang dusa ay mapapalitan ng ginhawa,
Ang galit ay mapapalitan ng pagmamahal
Dahil totoong
Kinalimutan na tayo ng maykapal
Huwag mong isiping,
Nasa dugo natin ang pagkakaisa at pagtutulungan,
Lahat tayo'y makasarili at naglalamangan dahil
Hindi totoong
Kaya natin nararanasan 'to dahil
Pagsubok lamang ito.
Maniwala ka,
Isa itong parusa,
Wala na siyang paki-alam,
Nagkakamali ka kung iniisip mong,
Makababangon ka pa!
(Read upward)

Makababangon ka pa ba kung sa bawat pagmulat ng iyong mga mata puno ng takot at pagdududa ang iyong nakikita?
Alamin natin ang sagot at baliktarin natin ang tula.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 26, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Hikbi Ng Pluma (Spoken Word Poetry)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora