Pagkakataon

153 46 2
                                    

Pagkakataon

Sa tuwing ako'y nag-iisa
Ikaw ang lagi kong naaalala
Lalo na ang mga panahon na
Tayo'y magkasama
Na masaya at walang pinoproblema.

Ikaw ang naging inspirasyon ko
Ngunit ako'y iniwan mo
Labis akong nasaktan pero
Ano pa ba ang magagawa ko?

Bago ka tuluyang lumisan
Ikaw ay may iniwan
Isang pangakong hindi ko bibitawan
At hindi ko malilimutan.

Mga buwan ay lumipas
Ngunit pag-ibig ko sayo'y walang kupas
Dahil dito sa puso ko
Ikaw ay may iniwang bakas.

Hanggang sa napag-isip-isip ko rin
Na kailangan ko nang tanggapin
Na hindi ka para sa akin
Kaya dapat na kitang limutin.

Kasabay nang paglimot ko sayo
Ay may dumating na bago
Siya ay naging parte ng buhay ko
At laging nariyan sa tabi ko

Ngunit bumalik ka
Sa panahong ako ay maayos na
Para ayusin ang ating nakaraan
At ipagpatuloy ang ating nasimulan.

Litung-lito ang puso't isip ko
Kung sino ang pipiliin sa inyo
Ngunit puso ko ay hindi pa rin nagbabago
Dahil ikaw pa rin ang mahal ko.

Sa pagpili ko sayo
Hindi ko alam kung tama ito
Ang alam ko lang ay masaya ako
Dahil nandito kang muli sa piling ko.

Sana ay pahalagahan mo
Ang pagkakataong ibinigay ko
Dahil sayo lang ako nagkaganito
At mahal kita higit pa sa buhay ko.

Hikbi Ng Pluma (Spoken Word Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon