SWP-Malaya Na Tayo

271 85 14
                                    

Malaya Na Tayo

Isa akong manunulat,
pero hindi ko alam
kung paano pa
durugtungan ang istoryang
ating nasimulan.

Pagod na ako.
Hindi ang aking katawan,
kung di ang aking isipan
at nararamdaman.

Tama pa bang ipaglaban?
Tama pa bang ipagpatuloy
ang naudlot na kabanata
na kung saan sa imahinasyon ko,
ikaw at ako
ay magkakaroon
ng magandang katapusan?

Tama pa ba?
Sa tingin ko ay hindi na,
dahil habang tumatagal
hindi na tayo ang nagiging bida
sa sarili nating istorya.

Ikaw at ako ay nawawala na
kaya kasabay nang pagbitiw
sa aking pluma
ay ang pagsambit ng
malaya ka na.
Malaya na tayong dalawa.

Hikbi Ng Pluma (Spoken Word Poetry)Where stories live. Discover now