"R-Rein... gusto mo ipasok na kita sa mental? Y-You just broke up with a goddess?!"

Nagkibit ako ng balikat at ngumisi, "I broke up with a goddess because I already have my lady."

Hindi ko na napakinggan pa ang mga sermon sa'kin ni Desmond nang mapansin ko kung saan kami papunta. Sinabayan ko sa paglalakad si Eros at agad tinanong, "Dito namin itinabi 'yong chariot ni Apollo. Look Eros, hindi pa ako eksperto sa pagpapalipad ng chariot! Hindi ko alam kung paano paandarin 'yon. Kaya kung iyon ang gagamitin nating sasakyan papuntang Underworld, I hate to break it to you but I'm no genius in operating that thing."

The red haired god glanced at me from the corner of his eye. Mukhang hindi naman siya namorblema sa sinabi ko. Kalmado lang siyang sumagot, "Lucky for us, we already found a genius who can operate Apollo's chariot."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino namang "henyo" kaya ang tinutukoy niya?

Pero agad ring nasagot ang tanong ko nang marating na namin ang chariot. Patuloy pa ring nakalutang sa ere ang maliit na bersyon ng araw, kaya halos masilaw kami sa liwanag nito. Pero sa kabila nito, naaninag ko pa rin ang bulto ng isang lalaking nakatayo roon.

He was still wearing his rockband t-shirt.

"Markus.."

Humikab ang lalaki at kumaway sa'min, "Hey. Muntik na akong makatulog sa tagal niyo. Tsk!"

'Ang akala ko nasa ibang bansa na siya?'

The lazy emo turned to me. Napansin kong naka-eyeliner pa rin siya at suot ang ripped jeans niya. Hindi ko alam kung nababasa niya ang iniisip ko o halata lang sa mukha ko ang labis na pagtataka.

"Pinuntahan ako ni Eros kanina sa USA. Nang malaman kong ikinulong ni Ares sa Underworld si Caprissa at nasa panganib si Lady Medusa, I didn't need to think twice. Sumama akong nag-teleport dito. Good thing because I was getting tired of eating burgers and fries for dinner."

Napangiti na lang ako. Though, I really find it ironic to have this reunion in the middle of a crisis.

"We'll save her, Markus. We'll save them both... Ililigtas natin sina Caprissa at Lady Medusa."

*

Papunta na kami ngayon sa Underworld. Langya, siguro kung sasabihin ko 'yan sa ibang tao, baka mawirduhan lang sila pakinggan. I can't blame them. Only a few people are lucky enough to break free from their normal and boring lives. Anyway, kamuntikan na naman akong mahulog sa chariot nang biglang lumiko si Markus. Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa pagmamaneho.

Tama nga ang sinabi ni Eros kanina. Sa hindi ko malamang dahilan, gamay na niya ang pagmamaneho ng chariot ni Apollo.

"Paano mo nga ulit natutunan 'to? Iisipin ko sanang nagpractice ka, but I doubt they have flying chariots in America."

"May manual na itinabi si Apollo. I have no idea why he keeps a manual of his own chariot, but it came in handy. Nandiyan sa may compartment."

Napasimangot ako. 'May manual naman pala? Damn. Kung alam ko lang, eh 'di sana hindi na ako nagpakahirap noong ninakaw namin 'to ni Lady Medusa.'

Natigilan na naman ako nang maisip ko siya.

Another pang of pain surged through me as I recalled the last time I saw her. She looked so devastated and exhausted. Siguro nga, napapagod na siya. Ilang siglo na siyang nabubuhay nang halimaw ang tingin sa kanya ng lahat. I can't blame her if she's tired, but I promise I'll give her a reason to continue.

I won't let her leave me again.

"Hey, look! There's a festival down there!" Manghang sabi ni Desmond. Sa kanyang tabi, walang emosyong sumagot si Anteros.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now