QUINQUAGINTA TRES

Magsimula sa umpisa
                                    

I gaped at her as Pamela concentrated in what she's doing.

"Basang-basa ka na tuloy.. you really need to watch the news, Rein. Hindi mo pwedeng isipin na waterproof ka tuwing babagyo. You need to be prepared, in whatever tragedy might happen."

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya ito.

'Hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano at kailan siya nagkagusto sa'kin. Yup, I'm a lucky bastard.'

So, in the middle of a thunderstorm and beside mugs of steaming hot chocolate, I decided to gently grab her hands and leaned in.

I kissed her.

Agad na tumugon sa halik ko si Pamela. Kumawala siya sa pagkakahawak ko at ipinulupot ang mga kamay niya sa leeg ko. She pulled me in, and I just let her.

It will always be Pamela.

If I were to choose, I know I will always choose her... No excuses.

Nang maghiwalay ang mga labi namin, I smiled and touched her angelic face. She leaned into my hand and sighed contentedly.

"I was so scared when you went missing. Ipangako mo sa'king hindi mo na ako ulit iiwan Rein.. please?"

Pilit kong isinatabi ang mga alaala ng nangyari kanina. Lady Medusa pushed us away and just left us. Alam kong nasasaktan siya dahil sa katotohanang patay na si Linae, pero hindi ko alam kung bakit kinailangan niya kaming itulak papalayo ni Caprissa. She made it clear that she doesn't want any help and that she doesn't want us in her life anymore. Pero sa kabila nito, I still wish she would find her happiness.

Because I already found mine.

"I promise, Pamela."

*

"She finally found out the truth about Linae's death, huh? I'm surprised a monster like her was stupid enough to overlook that small detail." Mahinang natawa si Ares habang nakamasid sa madilim na kalangitan.

Patuloy pa ring lumalakas ang ulan habang lumalalim ang gabi. His armor looked even more sinister with the lack of light. Alam ni Caprissa nawiwili ito sa mga nangyayari. Magmula noon, masama na talaga ang diyos ng digmaan. He finds pleasure in the suffering of others and sometimes, he orchestrates the chaos himself.

Nang tumakbo papalayo si Lady Medusa, walang imik ring umalis si Rein. Pero hindi inaasahan ng bata na sa ibang direksyon ito pumunta. Hindi niya sinundan si Lady Medusa, and that was enough to make the message clear.

'Tuluyan nang sumuko si Kuya Rein..'

Caprissa stayed behind as she watched him walk away. Alam niyang nasasaktan rin ito. Pare-pareho naman silang nahihirapan sa sitwasyon. Nakatulala lang kanina sa ilalim ng puno ng akasya si Caprissa nang biglang lumitaw sa tabi niya ang diyos na tila ba kanina pa nanonood sa kanila.

Caprissa sighed. "Ikaw ang may gawan 'non kay Kuya Desmond, hindi ba? Hindi ko alam kung anong ginawa mo, pero nalinlang niya si Lady Medusa.. dahil doon, lalong nagkaroon ng lamat ang relasyon nina Lady Medusa at Kuya Rein. You did that to trigger a fight until Kuya Rein was forced to say the truth." Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. She really hated Ares.

Noong nakipagkasundo noon si Caprissa kay Ares, ipinangako nito na hindi niya sasabihin kay Lady Medusa ang tungkol kay Linae at hahayaan niya itong manatili sa Eastwood---in exchange, they will help him take Zeus' throne.

"You didn't directly tell Lady Medusa.. but you indirectly used Kuya Rein to tell it. Masaya ka na ba, Ares? Nagkakagulo na ang lahat."

Sinamaan ng tingin ni Caprissa ang diyos na nakatalikod pa rin sa kanya. Kalmado lang pinagmasdan ni Ares ang pagpatak ng ulan nang sumagot siya, "I'm the Greek god of war, kid. Nasisiraan ka na siguro ng bait kung inaakala mong tutupad ako sa kasunduan natin.. I will always find a way to bend things in my favor."

"Don't hurt her.. don't you dare hurt Lady Medusa! Wala siyang ginawang masama. She doesn't deserve this."

Bahagyang lumingon sa kanya si Ares. Isang nakapangingilabot na ngiti sa kanyang labi.

"Oh, I won't hurt her, of course...not yet. Ang ikinakatakot ko nga ay baka siya pa ang makapanakit kapag nagkaharap na sila ng diyos na humalay sa kanya. Now, that would be a interesting, wouldn't it?"

Nanlaki ang mga mata ni Caprissa nang mapagtanto ang sinasabi nito. 'N-No.. kilala ko si Lady Medusa. Paniguradong hindi niya mapipigilan ang galit niya kapag nakita na niya si Poseidon.'

At malaki ang posibilidad na may hindi magandang mangyari.

All the Olympian gods will want her dead if she harms Poseidon.

"P-Please, wag mo itong g-gawin kay Lady Medusa!"

Caprissa knew that begging him not to hurt her boss is useless, especially when she felt Deimos and Phobos dragging her deeper into the shadows. Sinubukang niya sumigaw para makahingi ng tulong, pero tinangay lang ng malakas na bagyo ang kanyang boses.

Kalmado lang siyang pinagmasdan ni Ares. Nakangisi ito sa kanya.

"Too late, kid. Heto ang parusa ng mga kumakampi sa isang halimaw.. 'wag kang mag-alala, makakasama mo rin ang iba. For now, down the Underworld you go."

---

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon