Chapter 28

1 0 0
                                    


LIANA POV

Alam kong maaga pa para sa ganitong bagay ,ngunit hindi ko mahagilap ang tamang salita para mapahinto siya sa ginagawa niya, sa tagal kong nangulila sakanya ngayon bakit pinababayaan ko siya kung ano man ang ginagawa niya, natatalo ng puso ko ang utak ko , mariin ang mga halik niya saakin ,na puno ng pagasa at pagaasam. Raven ! Tanging yun lang ang kayang banggitin ng utak ko na hindi ko mabigkas. Yung pakiramdam na may takot na baka mawala siya saakin.

TOK!TOK!TOK!

nagulat kami pareho sa lakas ng katok sa pinto, pareho kaming naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang mga labi namin.  Pareho rin kaming napatitig sa isat isa. Namalayan kong nakapasok na pala ang kamay niya sa loob ng t-shirt ko at nakapatong sa manipis na tsan ko.  Bigla niyang itinaas ang dalawang kamay niya at sabay kaming nagtawanan.

"Hahahahah, tumayo kana nga jan para makakilos din ako" bahagya kong ginalaw ang bewang ko pero hirap kumilos sa bigat ng nakaibabaw saakin.

" hehehe sorry nadala lang " nakakadala ang mga ngiti niya ngayon na pinapakita ,pinamulaan ako ng muka ng makita ko kung anong itsura namin.

" tatayo kaba o tatayo " ngiti kong baling ulit sakanya. Napakamot ito ng ulo bago tuluyang tumayo.

" kanina pa nga nakatayo e" bulong niya ng mejo nakalayo na pero sapat para marinig ko parin iyon.

" may sinasabi ka ?" Mejo malakas na tinig kong sabi sakanya, kunwari sinimangutan ko siya.

" WALAAA!" saka patuloy naglakad patungong banyo " bakit may magagawa kaba ?" Bulong ulit niya.

" hindi e may sinasabi ka talaga e,ano yun ?" Tumayo ako at hahabol sakanya pero mas malaki ang hakbang niya kaya nakapasok agad ito sa loob ng banyo at naisara agad ang pinto. " meron e ano yun ?" Tanong ko ulit .

" sabi ko buksan mo nalang yung pinto baka umuusok na ang ulo ng tao sa labas " sigaw niya mula sa loob.

" fine , sa susunod ayos ayusin mo pagsasalita mo ha, baka anuhin kita jan e " pamimilosopo kong sabi. Bumukas ng bahagya ang pinto ng banyo at sumilip siya

" ANO! anong gagawin mo ?" Nakangiti niyang silip saakin. Namewang ako at lalapit ulit sakanya,pero mabilis ulit niyang isinara yun.

" buksan mo to ,lika at kakalbuhin kita " sabay hampas sa pinto.

" oh no,no,no,no,, pangit nato pag kinalbo mo" sigaw ulit nito mula sa loob.

" aba talagang !"" Tsaka ako nakarinig ng malakas na tawa sa loob na rinig mong umeeco pa sa labas. " pakasaya ka." Sabay halukipkip at talikod. Tinungo ko ang pinto at binuksan.

" ay ang tagal ah ,teka , anong meron dito ha" ngising bungad saakin ni christ ksama si oliver . 

"Aruuu kayo ha, nagkukulong kayo dito ha "  sabi ni oliver.

" hay nako ewan ko sainyo " sabay martsa paalis.  Naiwang nakatanga naman ang dalawa sa pinto. Nakakatatlong hakbang palang ako bumalik agad ako . ngumisi naman ulit si christ.

" bro goodbye kiss daw " sigaw ni christ sa loob na ikinulong pa ang labi sa dalawang kamay. Tuloy tuloy akong pumasok sa loob at kinuha ang maliit na pouch kong nakapatong sa higaan .

"Tse " yun lang at tuluyan na akong umalis.

CHRIST POV

Diretso pasok na kami sa kwarto pagalis ni liana dito, ilang minuto lang lumabas na si raven sa banyo na basa ang buhok at nakatapis lang sa baba, may hawak itong maliit na towel para na man patuyuin ang buhok. Patungo ito sa bandang salamin kunsaan nakalagay ang mga kailngan ng mga lalaki.

Ikaw ParinWhere stories live. Discover now