Chapter 21

1 0 0
                                    

LIANA POV

“ uuy pakopya naman ako ng assignment natin” pinipilit niyang agawin ang notes ni oliver  para mangopya ng assignment sa math.

“ ayoko nga, bakit ba hindi ka gumawa” habang nagiikutan sila sa isa sa mga silya doon.

“ sige na ang damot damot mo naman olive oil” pagbibiru pa niya kanaya,tsk sa mas lalo siyang hindi pahihiramin niyan sa ginagawa niya e.

“ ayoko nga bahala ka jan noh” sabi ni olive oil este oliver.

“ sige ka bahala ka jan pagsisisihan mo to” pagbabanta naman niya habang nakaturo ang notes niya kay olive. Wala namang epekto yun kay olive , tumalikod pa siya kay basty at kumembot kembot at pinalo palo ang pwet niya.

“ hahahaha utot mo basty” saka siya tumakbo palabas. Sumuko na ata si basty kaya lumingon saakin na nakanguso. Paawa epek bayan.hahaha

“ ganda? Psssst” pero kunwari hindi ko siya naririnig kaya kunwari may kinakalkal ako sa bag ko.

“ ganda naman e, uuy” papadjak padjak siyang lumapit saakin na laylay ang balikat. Kinalabit niya ako sa balikat at nagbeautiful eyes sa harap ko, hay nako.

“bakit ba kasi wala kang assignment? Ano nanaman ba ang ginawa mo, lagi ka nalang ganyan” pagsesermon ko sakanya. Nagkamot siya ng batok at isinuklay ang daliri sa buhok. Ano to nagpapacute ba siya? Baliw!

“basty?” lumingon siya sa gawi ni raven, saka siya sinenyasang lumapit sakanya.

“ ako?” kunot noo niyang tanong. Turo pa niya ang sarili niya.

“ oo ikaw may iba pa bang basty dito ?” lumapit naman si basty sakanya.

“ bakit?” tanong ni basty.

“eto notes ko at pakokopyahin pa kita sa ibang assignments natin sa isang kundisyon” rinig kong sabi, ipinatong pa ni raven ang notes niya sa lamesa at kinuha naman agad yun ni basty. Dali dali siyang nangopya dahil ilang minute nalang ang natitira.

“ ano bang kundisyon yun?” tanong niya habang nagsusulat at walang lingon lingon. Wala na akong narinig na sagot ni raven dahil bumulong nalang siya, kumunot noo naman ang tugon ni raven at agad itiniklop ang notes.

“pagiisipan ko” pagkasabi non ay agad namang tumayo si basty at dirediretso sa tabi kong umupo, tumingin pa siya saakin kaya nagtaka naman ako kung ano ba yung sinabi ni raven sakanya.

BASTY POV

KNOCK! KNOCK!

Pagbukas ko ng pinto bumulaga sa harap ko si oliver. Isasara kona sana ulit ang pinto ng iharang ni olive oil ang paa niya.

“ teka teka grabe ka naman , nagtatampo ka parin kanina” nangingiti niyang sabi saakin , saka bumungad narin sila Christ at alex at itinaas pa ang ilang bote ng alak at may dala narin silang snacks. May magagawa pa ba ako, kaya nilakihan ko nalang ang bukas ng pinto. Sabay sabay silang pumasok sa loob at nagkanya kanya ng pwesto.

Nagbukas ng speaker si alex at nagsalpak ng cd,dumiretso naman sa kusina si Christ para ayusin ang mga dala dala nila, humiga naman sa kama ko si olive oil na parang kanya ang kama at kumuha ng babasahin. Humiga ako sa pinaka dulo saka ko sinipa si olive hanggang sa mahulog sa sahig.

“ aray koo” inabot abot niya ang likod niyang tumama sa sahig, tinignan ko lang siya ,saka ko itinaas ang kamay ko at inunanan, natatawa ako sa reaction ng muka niya pagkahulog niya.

“tol tignan niyo si basty nagbabasa nito” ikinampay kampay  niya sa hangin yung magazine na hawak niya, nagsilapitan naman sila kay olive.mga bugok parang ngayon lang nakakita.

“ wwwoooow, “sabi ni alex.

“ patingin patingin,ooooooow” na namamangha sa nakikita.may palaki laki pa ng mata.

“ goooosh mmmm” pangigigil naman ni olive na nakatiklop pa ang kamao. Gigil na gigil.

“ tol pa cr muna” natatawa sabi ni alex.

“ tumigil ka” sabi ko saka ko inagaw ang hawak nilang magazine, para naman silang asong sumunod ang tingin. Naglakad si Christ sa buong bahay na parang may hinahanap. Huminto siya sa harap ng lamesa sa kusina at kinuha ang tissue paper at inihagis kay alex.

“ oh tol simulan mona” tawa pa niya ng malakas.

“ hoy magkakalat kalang jan, “ saka kami nagagawan ni alex sa tissue. Bigla naman siyang humiga sa sahig at parang batang ngumawa ng ngumawa.

“ akin nayan, akin nayan, tissue ko yan e,huhuhuh” ai baliw. Sige parin ang ngawa niya na nagpaikot ikot pa sa sahig,. Haay.

“ung baby umiiyak na , tissue daw hahaha? Sabi ni olive.

“ araay masakit sa puson,akina tissue ko basty “. Umiling iling lang ako sa ginagawa niya.

RAVEN POV

Pababa ako ng hagdanan ng umagang yun,kagigising ko lang ,mejo tinanghali ako ng gising kakaisip kung papaano ba ako mapapatawad ni liana, sa totoo lang namimiss ko na siya. Nadatnan kong nagbebreakfast sila mommy at monica sa kusina.
“kamusta na ang gising mo nak?” tanong saakin ni mommy, hindi ko naman siya masisisi kung magalala siya palagi saakin,lagi siyang ganyan simula ng bata ako. Humarap ako kay mama at ngumiti.

“ ok lang po ako mommy,don’t worry” umupo ako sa bakanteng upuan malapit kay monica.

“ manang paki kuha naman po ng plato si sir mo” tumalikod ang maid naming at kumuha ng plato at kubyertos sa kusina.sinalinan naman ako ng pagkain ni monica sa plato.

“thanks”ngiti ko sakanya.

“gusto mo ba to?’ alok niya sakanya sa ulam na malapit sakanya, umiling lang ako dahil ayoko ng itlog sa umagang yun.

“ siya nga pala mom, may party akong pupuntahan mamayang gabi, birthday ng kaklase naming,kaya late na akong makakauwi, nandon naman si monica at alex” bumaling ako kay monica na sarap na sarap naman sa pagkain.

“ ako na po bahala sakanya tita, wag nap o kayong magalala, nandon nga si alex kaya if ever man dalawa kaming titingin.” Hinawakan ni mommy ang kamay niya at ngumiti.

“ thank you iha” ngumiti lang din si monica bilang ganti.

“ si laex mommy?” tanong ko.bumuntong hininga si mommy bago sumagot.

“ tulog pa, late na siyang nakauwi last night at nangangamoy alak.”. nagnod lang ako at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.






(Short update lang po,busy sa pagtulog dahil sa ECQ hehehe,enjoy po readers ) mmmmwahugs 😘😘😘🥰🥰🥰

Ikaw ParinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora