Chapter 26

1 1 0
                                    

LIANA POV

Lumapit ako sa seryosong prinsipe ko sa sulok kung saan siya nakaupo, umismid pa bago tumalikod si monica saakin, hinayaan ko nalang at nagexcuse ako. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan niya.

Hindi manlang niya ako tinapunan ng sulyap, napanguso tuloy ako,inusog ko pa ng mas malapit ang upuan ko sa inuupuan niya para mangalumbaba sa lamesa niya at nangunguyam na tinitigan pa siya habang nakanguso ako sakanya. Lumayo pa siya ng kaunti saakin. Nagbeutiful eyes naman ako sakanya, sumulyap lang siya bago humarap sa bintana.

Wa epek, bakit kaya? Kinuha ko ang notebook niyang nakapatong sa lamesa at nagsulat ng kung ano ano, hindi niya ako pinapakealam kayat nagsulat ako ng nagsulat, humito lang ako ng pumasok na ang professor namin.

Tumayo ako at bumalik na sa upan ko,lumingon muna ako sakanya bago tuluyang naglakad. Pansin ko namang nakatingin lang sa aamin si basty. Nginitian ko siya kaso nakatingin lang naman siya.. problema ng mga tao.

“ class  lets talk about our Christmas party this coming month.” Panimula ni prof habang nakaupo “ may mga games and I want everyone to participate ,sana walang KJ jan. magkakaroon na tayo ng bunutan ngayon since gaganapin yun sa first week ng month and we decided na ganapin yun hindi dito sa school” nagingay ang class,” napagkasunduan ng committee na sa isang exclusive beach resort iyon gaganapin, so you better pack your things and be ready para wala kayong maiwanan, magbibigay na din ako mamaya ng waiver para sa consent ng mga parents ninyo”. Nagsimula ng magingay ang buong room sa sobrang excited naming lahat.

“wow ang cool” sabi ni marisa.

“yeah baby” sabay kindat ni oliver sakanya, hala kinikilig.

“ im so excited” sabi ni Christ. Napapapalakpak naman sa tuwa si devon.

Sinulyapan ko si basty na kaupo nila,nakasilay din ang ngiti niya dito at seryoso naman ang dalawa sa dulo, si raven at monica, para atang ayaw nila.

RESORT

LIANA POV

Lumapit saakin si devon bago sumakay ng bus” liana tabi tayo ha” ngiti niya saakin.tumango ako at sabay na kaming pumanhik. Inilibot ko ang tingin ko sa buong bus pero hindi ko mahagilap ang dalawa, nakaramdam ako ng lungkot,hindi masaya pag wala siya-sa buhay ko kaya payuko akong umupo sa dalawang bakanteng upuan.

Nauna akong naglakad kaya sa bintana ako napwesto,yun din ang gusto ko ,Naramdaman ko namang umupo na rin ang kasama ko sa tabing upuan ko habang isinasalansan ko ang mga gamit ko

Nasaan na kaya siya, tumingin ako sa salamin sa bintana para hagilapin siya sa mga tao sa labas pero ni anino niya hindi ko makita.inilapat ko pa ang dalawang mata ko sa may bintana para mas mapansin ko kung nasa labas siya,nanlumo ako ng hindi ko siya makita. Nasaan kana?

“ wag ka ng malungkot, nandito ako” nabuhayan ako sa tinig na narinig ko sa tabi ko, nilingon ko siya agad dahil biglang nagsilakbo ang damdamin ko, hindi kona napigilan ang sarili ko at napayakap ako saknya ng mahigpit,. Natatawa siyang hinimas ang likod ko.

Kumawala ako sa pagkakayakap ko para hanapin  si devon na ok na siyang nakaupo sa kabilang upuan at katabi si oliver. Kumindat lang siya saakin at nginitian ko pabalik.

“akala ko hindi kana sasama” paglalabi ko sakanya.

“ pwede bang pabayaan kita “ hinawakan niya ang kamay ko saka ginulo gulo ang buhok ko. Nakakatuwa talaga pag ginagawa niya yun nakakawala ng stress“ baka maagaw ka ng iba sa isang iglap ko lang e”.

“loko ka, sino namang gagawa non” nakangiti kong sagot.

“ malay natin, meron jan sa tabi tabi”. Nilibot ko ang mata ko pero mata lang ni basty ang sumalubong non. Nagngitian lang kami saglit at tumingin na ako kay raven ulit na nakakunot na ang muka.

Ikaw ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon