Chapter Ten

5 1 0
                                    

Ano kaya ang problema niya bakit siya ganon makatingin kala mo naman lalamon ng tao, kung gayon magkakasya kaya ako sa bunganga niya?!

Akala ko magtititigan pa kami pero siya rin ang unang sumuko,bumawi siya ng tingin at naglakad papalayo. Sinundan nalang namin siya ng tingin ni basty at nagkatinginan.

“ ano kaya nangyayari don bakit ganon makatingin sayo?” sabi ni basty habang nagkakamot ng ulo.

“ yak naman to, sa harap ko pa nagkamot, mamaya niyan mahawa pa ako ng kuto mo e “ pangaasar ko sakanya.

“ talaga ba? Baka ikaw  sa haba ng buhok mo imposibleng wala.”

“ wala no, lumayo ka nga baka sakalin kita ng buhok ko e” sabay irap ko sakanya. Dumiretso narin kami sa room namin at nakita kong nakaupo narin si raven sa pwesto niya,tahimik  at hindi sumasagot kahit kinakausap ng kaklase namin.parang walang naririnig.

Bingi !

Habang nagkaklase dinadaldalan lang ako ng dinadaldalan ni basty , sa tabi ko lang kasi siya lagi nakaupo, ayaw na ata humiwalay ng baklang to sakin.

Hindi ko naman naiintindihan yung mga pinagsasabi niya dahil sa iba nakatuon ang attention ko. Bahala ka jan dumakdak.

RECESS

Nasan na kaya siya ang bilis naman niyang mawala, ano yun nagtransport, . takbo ako sa likod ng school pero wala rin siya dito , san kaya nagpunta yun, pabalik na sana ako ng room dala ang dalawang sandwich ng mapalingon ako sa bandang gate.

Si raven yung nakatalikod pero sino yung kausap niya, naglakad pa ng kaunti para masilip kung sino yun taong kinakausap niya, ng Makita kona kung sino yun napuno ako ng pagtataka.

Hala magkakilala pala sila,hindi ko naman sila dati nakikitang magkasama kaya hindi sumagi sa isip kong kilala niya si alex, siya yung isang transferee na loko loko, yung taong pumatid saakin kanina pagpasok ko, marami pa talaga akong dapat malaman kay raven.

Pero paano ?

Nabigla ako ng sumimangot sa gawi ko si alex kaya napatalikod ako  saka naglakad ng matulin papalayo habang yakap ang sandwich ko.

Patay !

Matagal pa naman bago magsimula ang klase, gusto kong lumabas at magpunta sa kabilang kanto, kaso paano kaya ako makakatakas sa guard na to, palaging nagbabantay sa gate.

Tumayo muna ako sa gilid kung saan malapit ako sa gate para kung sakaling malingat tong guard na to e makalabas ako.

Ayun buti nalang bumili sa canteen saglit, bilis liana takas, hayaan mo na mamaya mona isipin ang idadahilan mo pag nakabalik kana.

Habang naglalakad pa kanto, ano kaya yung pinaguumpukan ng mga bata doon, nacucurious ako, aba teka nga. 

“ bulinggit pasingit naman oh” sabi ko sa batang bumibili.

“ teka lang ate, bumibili pa ako e, mamaya kana sumingit” sabi ng bata na abala sa pagpili.

“ titignan ko lang naman ano yang binibili niyo e” pagpupumilit ko makasingit.

“ mamaya na ate sabi e”

“ aray ano ba yan hindi manlang magdahan dahan, ayan natapakan na sapatos ko” sabi kong naiirita habang pinupunas punasan pa ang sapatos ko pero hindi manlang ako pinansin. Aba loko to ah.

“ ate sayo na tong isa binili ko para sayo” sabay buklat ng kamay niya malapit sa muka ko.

“ aaahhh ,” pasigaw kong sabi ng magulat ako sa nakita ko. Hayop tong batang to bigla nalang isubsob sa muka ko.

Ikaw ParinWhere stories live. Discover now