Chapter 19

2 0 0
                                    

RAVEN POV

Kahit anong gawin ko hindi parin niya ako pinapansin,ako na bumibili ng pagkain niya sa recess kahit nagagalit na si monica saakin, maski magprisinta akong ihatid siya ayaw rin niya. Gusto kong humingi ng sorry sakanya pero hindi naman niya ako kinakausap.hindi ko rin naman siya masisisi dahil umalis ako noon ng wala manlang pasabi, hindi ko rin naman masabi sakanya ang totoong dahilan dahil ayaw ko rin siyang saktan.

Kinuha ko ang phone ko at nagtype. Pagkatapos sumulyap ako sakanya. Nakita ko naman na kinuha niya sa bulsa niya ang phone niya at binasa. Ano  bayan wala manlang reaction. Kumunot  nalang ang noo ko.

“ ano ba yang ginagawa mo?” tanong saakin ni monica. Saka niya hinablot ang phone ko. Wala naman akong nagawa dahil hawak na niya kaya pinabayaan ko nalang. Maya maya binalik niya saakin ang phone ko saka tumalikod.

LIANA POV

Naramdaman kong nagvibrate ang phone na nasa bulsa ko kaya pasimple ko namang kinuha yun dahil baka maconfiscate ni ma’am pag nakita niya. isang tx message ang natanggap ko . binuksan ko ang inbox ko at binasa yon, galing yon sakanya.

sabi nila timang daw ako
pero di yan totoo.
Mali bang ngumiti ako pag ikaw ang iniisip ko.

Pagkabasa non binalik kona agad ang phone ko sa bulsa ko, pero hindi pa nagtatagal may nagtx nanaman, pagtingin ko this time, hindi galing sakanya, .number ito ng nagsesend saakin ng quotes.

Your eyes tell me that
You’ll love me everyday.
No matter what may come,
You’ll be there to stay.

Sa dalas kong nakakatanggap ng mga love quotes nangingiti narin ako pagnakakabasa nito kahit hindi ko alam kung sino ang nagpapadala non sakin, bigla akong tumingin kay raven pero hindi naman niya hawak ang phone niya kaya imposible namang siya, hindi rin naman si basty dahil katabi ko lang naman siya at seryoso sa … sa… pagd-drawing ng… muka kong mukang unanong may buntot at sungay at kinulayan pa ng itim, a-at may nakasulat pa sa itaas na .pangalan ko at may puso naman sa paligid nito, may mga nakasulat din na parang qutes patungkol sa pagibig.. aaaai.

Hinablot ko ang notebook niya at pinaghahampas sa likod niya, panay naman ang iwas at sangga niya.nangigigil ako sa ginagawa niya.

“ you two get out of my class” sabi ni ma’am saaming dalawa.,huminto kami at nagkatinginang dalawa, Nakakahiya talaga lalo na sakanya, kaya yukong tumayo kami parehas ni basty at naglakad palabas ng room.

“kasalanan mo to e” sabi ko sakanya,saka ko tinapakan ang paa niya. bigla siyang napasigaw ng aray kaya lumabas pa si maam para sitahin siya. Pareho kaming nagtuturuan at panguso nguso sa labas habang nakatayo.

“ hindi ka naman kasi inaano jan e” kanguso niyang sabi habang nakapamulsa.

“anong wala, puro kademonyohang tumatakbo sa utak mo” sabi ko na halos pabulong na.

“ bakit bagay naman sayo ah, ang cute mo nga e” ngingiti ngiti niyang sagot. Natahimik naman ako sa naalalang mga quotes na nakasulat din sa papel niya, pero imposible ngang siya yon, umiling iling nalang ako sa naiisip ko.

“ bakit liana?” tanong niya saakin ng mapansing tumahimik ako.

“ wala naman may naalala lang naman ako pero hindi naman importante.”

CANTEEN

LIANA POV

Nakapila kami ni basty para bumili ng pagkain , nakita  ko ring nakapila sa kabila si raven at monica, nakakainis bakit ba lagi nalang sila magkasama, hindi sila bagay. Kung makadikit para pang linta, itong isa naman hinahayaan lang, pagnakikita ko sila magkasama naiinis talaga ako.

Sa ngayon ni hindi ko siya mapansin dahil masakit pa talaga yung ginawa niyang pagiwan saakin, ang dami dami ko pang tanong noon kahit bata palang ako noon, masakit kasi maiwanan lalo nat hindi  mo naman alam kung ano ang dahilan.

Kanina pa pala ako tinatanong ng tinder kung ano ang saakin, itong basty naman na to hindi manlang ako kinalabit,parang ewan lang na nakangiting pinagmamasdan ako habang naka pangalumbaba sa harap ng counter.

“ ok kana? Tapos kana magdaydream?” sabi niya saakin.

“tse umalis ka nga jan sa harap nakaharang ka” tinabig ko ang kamay niya kaya diretsong nasubsob siya sa counter. Aray lang ang narinig ko sakanya , hindi ko naman siya pinansin at inirapan ko lang.

“ dalawang rice po, isang menudo,tatlong pirasong shanghai,isang hotdog at fries” nanlalaking mata ni basty pagkarinig ang mga order ko.

“ ano pong drinks?” tanong ng tinder.

“ isang upsize pineapple juice po,wag masyadong maraming ice ate” tumalikod na ang ale para kunin lahat ng inorder o. nakaorder narin si basty kaya dumiretso na kami sa bankanteng table pagkakuha ng mga inorder namin.

Isang table lang ang pagitan ng table naming sa table nila raven, pagkaupo naming, nahuhuli kong sumusulyap sulyap si raven saakin. Ibinababa kona lahat ng inorder kong pagkain sa lamesa ganon din si basty.

“ hoy liana, bibitayin kanaba mamaya? Sabihin mo agad saakin ha para mapanood ko” panunukso niyang sabi.

“ letche naiinis kasi ako kaya lalamon ako,” nangingiti kong sabi sakanya.

“ ang dami mong inorder , di sana nakishare nalang ako para makatipid ako.” Ani niya.

“ tumigil ka nga sa ating dalawa ikaw ang mayaman  no” sabi ko.

“ edi next time treat kita sa labas ha” saka siya kumuha ng fries ko ng walang paalam.

“ akin yan ibalik mo yan” saka ko pilit inaagaw ang hawak niyang fries sa kamay niya.

“ ito naman konti lang e, penge lang” saka nanaman siya kumuha ng ilang fries sa plato ko.

“ ano ba akin yan, bumili ka ng sayo, patay gutom”  pagkasabi non inilayo ko ang palato para hindi na niya maabot.

“ aray ah, sakit mo magsalita” lumapit siya saakin at hinawakan ang dalawang pisngi ko, kaya napipit ang pisngi ko na parang pochi.

“bitiwan mo ako bakla ka” nahihirapang kong sabi dahil pati bibig ko pipit, muka tuloy akong tweety bird.  Mas inilapit naman niya ang muka niya saakin dahilan para mapahinto ako .

“ sa susunod na magsalita kapa ng masakit hahalikan na kita” blink blink blink ang mata ko sa sinabi niyang yon, wow nakakagulat coming from him. Sa ilang minuto naming ganon nakarinig nalang kami ng lagabag sa lamesa kaya binitawan niya ako at agad naman akong luminga sa paligid kung saan nagmula ang lagabag. Nakita ko si raven na nakatayo at nakatingin saamin ng hindi maganda lalo na kay basty. Lumayo siya sa lamesa akala ko lalapit saamin pero umalis lang naman siya sa canteen. Bumalik ang tingin k okay basty pero ngayon bigla nalang ako pinamulahan ng pisngi, ano ba naman kasi ang napasok sa isip nitong taong to kaya binalewala ko nalang ang lahat.






(No edit po sana magustuhan niyo.)
Don't forget to leave a comment,please do vote and share mmmmwahugsss 😘😘😘🥰🥰🥰

Ikaw ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon