Chapter Five

4 2 1
                                    


Ewan pero hindi ko alam at hindi ko talaga sure kung bakit masaya ako ngayon,palundag lundag pa nga akong naglalakad papasok sa room namin ng bigla nalang ako napatigil ng makita ko si raven sa gilid ng hallway ng school.

Nakatayo lang siya at kumakain ng .Aba teka nga.

Unti unti ko siyang nilapitan at dahan dahan akong yumuko sa bandang likuran niya sako ko siya biglang tinuhod sa likuran ng tuhod niya 😈, kaya wala sa katinuang nawalan siya ng panimbang at napaluhod.Saka ako kumaripas ng tumakbo papasok.

RAVEN POV

“anak ka ng nanay mo liana,sinaniban ka nanaman uuuh ” sigaw ko sakanya dahil hindi ko talaga siya namalayang dumating.

Ano bang laman ng utak ng  babaeng yon. Napaka sadista talaga. Shit ang sakit .humanda talaga sakin yang babaeng yan.hinimas himas kopa ang tuhod ko sa sakit ng pagkakaluhod ko.

Naglakad ako papuntang room na iika ika dahil sa kagagahan ng babaeng yun.

“napapano ka?”tanong ng isa kong kaklase na mukang nagtataka naman. Sumimangot ako at sumulyap kay liana.

“ah eto may isang babae lang naman na loka loka ang tumuhod saakin jan sa labas” pagpaparinig ko sakanya, pero ngingiti ngiti lang naman tong humarap saakin. Saka kumindat.

Loko kang babae ka may araw ka rin saakin makikita mo. Dumiretso na ako sa upuan ko bago magumpisa ang uanang subject naming ay nakita ko siyang lumabas ng room.

“san pupunta yon?” tanong ko sa katabi ko.

“magrerestroom daw “

Tumayo naman ako agad at naglakad papalapit sa upuan niya. Luminga linga pa ako para makasigurong wala na sa paningin ko ang babaeng yon. Minamuti kong bilisan na lang ang dapat kong gawin, kaya hinalungkat kona ang laman ng bag niya.

Gotcha! Nakita rin kita.. nakita kong nakaipit iyon sa notebook niya, ito yung pinagawa ko sakanya kagabi.

Kabilin bilinan pa naman ni maam kahapon na malaki ang impact nito sa grade namin. Kinuha ko ang assignment na ginawa niya para saakin dahil  may pangalan ko na ito sa itaas ng papel.

Imbis na umalis na ay nangiti ako ng makitang nandon din ang sakanya. kinuha korin ang assignment niya at umaalis. Maya maya nakita kong pabalik na siya sa upuan niya, kasabay niyang pumasok si mam kaya go back to your seat na daw.

Pagkatapos magexplain ni mam.”please pass all your assignment”sabi ni mam bago matapos ang subject naming sakanya.

Kinuha ko ang assignment ko at ipinasa iyon sa nasa harap kong kaklase, samantalang kita ko namang aligaga si liana sa kakahanap ng sakanya. Napapangiti nalang ako sa ginawa ko sakanya.

Lumingon pa ito sa pwesto ko at masamang nakatitig. Ngumiti lang ako sakanya at itinaas ko pa ang dalawa kong kamay tanda ng pagsuko.

Naghalukipkip pa ito ng kamay saka ako sinenyasan ng I see you ng dalawang daliri niya.
“bakit inaano kita” nakangiti kong sabi sakanya.

“asan na?”aniya.

“ang alin?”sabi ko.

“yung assignment ko,nasaan na?” na parang napipikon.

“aba malay ko may inabot kaba saakin?”  pagtaas baba pa ng balikat ko.

“nakakainis ka naman e,” sabi niya saka siya umirap saakin.. napansin ko nalang na umaalog ang balikat niya kaya alam kong umiiyak siya.

Lumapit ako sakanya at hinimas ang ulo niya.

“paka iyakin naman ng batang to” sabi ko pero tinabig lang niya ang kamay ko.”wag ka ng umiyak ,nako ka papangit ka niyan” nakangiti kong sabi sakanya pero hindi na ako pinansin..

Ikaw ParinWhere stories live. Discover now