Prologue

24 2 1
                                    

Masaya,sobrang saya  ng mga nakikita ko na akala mo wala ng wakas, birthday ko ngayon,oo tama birthday ko.

Nagising ako sa mahinang pagtapik ng aking ina sa tagiliran ko .

"Mmmm ma ano ba inaantok pa ako". Sabay kinuha ko ang unan ko at itinakip sa maganda Kong muka ,hahaha.

" Happy birthday to you,happy birthday to you,happy birthday happy birthday,happy birthday to you " pag kant ng nanay Kong di birit pa ang loka,.

Hanggang sa pinilit ko nalang imulat at mata ko,tsaka ko naman nakitang may hawak pala syang  camera na nakatutok sa pagmumuka ko. Kaloka at nakangiti pa talaga siya.

"Hala xa,talaga ba ma,may pa camera.talaga " sabay hila Kay mama at pahiga siyang lumapag sa kama at saka ko kiniliti ng kiniliti..

"Hahahaha nak ano ba ,tama na,pagod na ako liana  " at saka ko kinuha ang camera at  lumabas ng kwarto.

Wow nakapaghanda na sila.mga paborito ko talaga .mmmm sabay basa ng mga labi ko ,at dukot sa isang pirasong Shanghai..
Ang saraaap talaga ng isdang Shanghai. Kain ko habang inililibot ko ang mga mata ko sa pagkain.may spaghetti, pansit,letchong manok ,ham ,hotdog sa stick at ang best part ang cake ko na binili sa paboriito Kong bake shop ,ang CINDYs.

"Liana!" Halos mapapitlag ako sa lakas ng bunganga ng nanay ko,nakalabas napala siya ng kwarto ko.  Hahaha ,e ano ,masarap e.

"Oo na mamaya na, sila papa pala ma?" Tanong ko habang puno ng manok ang bunganga ko.

"Nasa labas ,nagiihaw ng liempo" sabay nguso sa bintana.

Nagtungo ako sa pinto at Ai  ang bangoo ,nagiihaw nga ,nandon kasama si utol. At mga ibang kapit Bahay na naghahanda ng siguro panginom,as usual.

Patapos na ang araw ,nakakapagod ,ang daming bisitang dumating ,nagkakantahan,nagiinuman,pero masaya ,nasisiyahan ako kasi kumpleto kaming lahat,bihira lang talaga mangyari to,kaya naman todo kuha ko ng mga litrato kasi nga minsan lang to mangyari .

Hanggang sa boooogh!

"Araaaay! "Sigaw ko ng malaglag ako sa kama ko,napahawak nalang ako sa balakang Kong bumagsak,shit ang sakit ,nakapikit ko pang sabi.

Aaish ano ba kasi to,tsk panaginip nanaman,lagi ko nalang napapanaginipan yun ,nakakainis,sabay piling ng ulo ko at dahan dahan nalang akong tumayo sa pagkakabagsak .

Anak naman Liana tanghali naaa,sabay takbo sa banyo para maligo, aaaahhh ang lamiiig ng dumaloy ang malamig sa tubig sa buo Kong katawan. ..pagkatapos ng routine ko nagbihis na ako para pumasok sa school.

I'm so excited ,and I just can't hide it ,pakanta ko pang birit habang hawak kopa ang suklay Kong pink at ginawang mike.e kasi first day of school kaya excited me.

Ayos lang naman yan sa umaga,sanay naman sila papa sa boses ko hahaha.

Kumatok na ako sa kwarto ni papa para magpaalam.
" Alis na ko pa." Wala naman akong narinig na sagot pero nakita ko namang nasa lamesa  na ang baon ko .

Pagdating sa school, inisa isa ko na ang mga classroom para hanapin ang pangalan ko,
Pagdating sa pangatlong room,gotcha ayun ang pangalan ko . pero tinignan ko rin ang ibang pangalan ,.

May mga bagong pangalan na Hindi kopa kilala ,transferee,tatlong lalaki.iyap tatlo .

Tumunog na ang unang bell hudyat para magsipasukan na ang mga istudyante,
Nakaupo nakami sa mga upuan namin  ,malamang tatabihan mo ung pinakaclose mo.natigil nalang kami sa pakikipagusap ng pumasok na ang advisor namin ,malamang magpapakilala una yan tapos tapos tapos kami na,.

Yung lagi mong pakiramdam na nahihiya twing unang araw ng school ,kahit magkakakilala naman kayo hahaha .

Nangangalahati na ang mga estudyante sa pagpapakilala,susunod na yung bago.

Eto na yung unang transferee, pagkatayo nia sinuri ko agad siya ,mmm well maputi ,muka namang mabait pero mukang antipatiko..

Yung pangalawa OK lang din pati ang pangatlo OK din pero moreno .natapos na ang pagpapakilala,sa loob ng ilang oras wala naman masyadong ginawa.kung sino sino lang naman ang mga pumasok sa classroom na mga advisor para ipakilala ang sarili.

Ting ting ting.Recess time, pagkatunog ng bell, agad ko ng kinuha ang pitaka ko sa bag para bumili ng pagkain ng
"Araaay ano bayan " .Hindi ko mahila ang buhok ko ,sabay lingon sa likod ko habang akmang mananakal at pinagsalubong ko ang kilay ko sa inis.
Ikaw ba naman itali ang buhok sa likod ng upuan e ,matuwa ka kaya.oo tama ,mahaba na hanggang pwetan ang itim na itim Kong buhok .

"Letche! Inaano kaba?" Pagaasik ko sa lalaking una Kong nakita paglingon ko, ang sarap sapakin dahil abat naka ngisi pa talaga ang loko .

"Hindi ako yan ,Liana .tama Liana pangalan mo diba." nakakairitang ngiti nia habang umiiling iling.

"Abat tanga ka ,e ikaw lang naman nakaupo Jan sa likod ko," paghuhurumintado  ko.

Habang sinusubukan Kong tanggalin ang pagkakatali ng buhok ko ,may dumating naman para tulungan ako ..

"Hi,tulungan na kita ." pagaalok nia ng tulong saakin .

Napatitig naman ako sakanya habang tinatangal ang pagkakabuhol ng buhok ko ng mapaisip naman ako
Ang gwapo pala niya sa malapitan kahit moreno, matangos ang ilong  at magagandat mahaba ang pilikmata,manipis din pala ang mga labi nia na parang masarap halikan dahil sa ang pula pula.

"Ayan OK na." Nanakangiti pa niyang sabi na nakatayo na pala sa aking harap.. Uuuh anghel .

" ay anghel kang palaka," pagkabigla ko ng bigla nia akong hinampas sa balikat.

"Sabi ko OK na ,natanggal kona , ano tulaley lang,hahaha"

"Aray naman " sabay hawak sa balikat Kong hinampas talaga nitong lalaking to.
"Kailangan manakit,manakit!" Na talagang pinanglakihan ko pa ng mata .
Napakamot tuloy siya ng batok.

" e kasi naman Liana ,para kang nakakita ng anghel,naku salamat kung ganon hahaha ". Sabay talikod at biglang ,putcha unti hunting humarap na nakangiting parang nanunukso.ano slow mo .nanunukso kuaa.

Hay Napatayo nalang ako at baka kung San pa mapunta to.

" salamat pala sayo ha" nginitian ko nalang siya at sabay alis dahil hahanapin ko pa yung bwisit na lalaking nagtali ng buhok ko dahil Hindi kona siya mahagilap.

Lakad ,mabilis na lakad ang ginawa ko para makarating sa canteen ng school dahil ilang minuto nalang ang natitira ,nasayang ang limang minuto ko dahil sa ginawa ng lokong yun,nanggigil Kong sambit sa utak ko.

Nako ang daming tao,siksikan .uuuhhh
" ate isang coke at sandwich po" ,aaah itulak talaga ako kuya,talaga.

Naka balik na ako sa room at kinakain ang nabili Kong pagkain.,hanggang sa napalingon nalang ako sa likuran,sa dulo ng classroom.

Nakita Kong tumutugtog siya ng gitara ,oo yung lalaking nagtali ng buhok ko,imbis na mainis eto ako at nakikinig sa kanya niya.

Ang galing niya mag plucking ,ang ganda ng pagkakakanta niya sa HIGH ng THE SPEAKS.

Napagtanto ko nalang na sakanya na ako nakaharap at pinapakinggan siya ng napatitig ako sa mga mata niya ,at napansin Kong nakatitig narin pala siya saakin habang kumakanta,hanggang sa nakikipagngitian na pala ako saknya.

Ikaw ParinWhere stories live. Discover now