chapter Nine

6 2 0
                                    

Papasok na ako sa loob ng mapansin ko si papa sa balkonahe namin, hindi naman siguro siya galit e noh, tingin ko hindi naman dahil muka naman maaliwalas ang muka niya.

Lalagpasan ko na sana si papa ng tawagin niya ako sa pangalan ko, hala lagot na , kinakabahan na ako, kasi naman bakit nagpahatid hatid pa kasi ako e tuloy ayan umuusok nanaman ang ilong, step ,no, step, no kako sa isip ko bago tutluyang humakbang palapit sakanya.

“ pa?” kako lang.

“ sino yung naghatid sayo?” malumanay naman niyang sabi.

“ kaklase ko pa, may kasama pa naman kami sa loob ng sasakyan hindi lang bumaba, nagkita kami jan sa daanan kanina kaya hinatid na ako” pagpapaliwanag ko na lahat ng hindi na humaba ang usapan.

Tumayo pa ako saglit sa harapan niya kung may sasabihin pa pero wala naman na siyang naging imik.

“ pasok na ako pa” kako tsaka ako tumalikod para pasok. Dumiretso muna ako sa kusina para tignan kung may sinaing na ba o nganga, kaya ng wala pa, nilinis ko muna ang rice cooker saka sumalop ng dalawa sa bigasan, hinugasan ko muna syempre saka isinalang.

Meron naman ng lutong ulam sa ibabaw ng lamesa, piniritong pork chop at yung tirang pakbet na luto ni papa kaninag tanghali, kumurot muna ako sa porkchop  bago ko tinakpan ulit. Sinipsip sipsip ko pa ang daliri kong pinanghawak bago umalis.

Sa kwarto ko nakapagbihis na ako at naka pag ayos , handa na nga ako matulog e, wala pa naman akong ganang kumain dahil busog na busog pa ako sa kinainan namin kanina.

Napapaisip lang talaga ako kung sino ba talaga si monica sa buhay ni raven, hinahayaan lang din niya si monica kahit anong gawin niya, pero hindi ko mapagkakailang muka talaga  silang malapit sa isat isa, siguro matagal na silang magkakilala kaya ganon kaso nakakainis talaga yung impaktang yun.

Napaigtad naman ako ng kumatok si ate sa pinto o pintuan , bahala kayo kahit alin jan basta understandable .

“ pasok te hindi yan nakalock “ sabi ko sabay pasok ni ate, madalas magkatabi kami natutulog kapag pinapagalitan siya, mas matanda siya saakin ng pitong taon, lahat ng kalokohan magkasama kami, sakanya ko rin sinasabi ang lahat at saakin din siya nagsasabi.

Naaasahan niya ako kapag lumiliban siya sa gabi para makipagkita sa boyfriend niyang morenong gwapo na kahawig ni papa piolo, kaya kapag may ginagawa akong kalokohan siya sumasalo dahil siya ang kinokompronta ni papa.

hindi ba patas yun? Pero para sakin patas yun , hirap kaya magsinungaling pag hinahanap siya tapos wala siya.

Alam ko rin lahat ng kalokohang nangyayari saknila ng boyfriend niya dahil updated ata ang sister niya,kasi naman  gabi gabi nakakatulog ako dahil sa mga kwento niya tungkol sakanilang dalawa, ginawa ko na nga siyang story teller sa gabi , ganyan kami ka close magkapatid. Lumapit siya saakin at humiga sa tabi ko.

“ buti hindi ka pinagalitan ni papa” sabi niya sakin habang nangangalikot ng ilong este cellphone .

“ hindi wala ata sa mood, hirap sisirin ng iniisip niya e hehehe ang lalim ” kako sa kanya habang nakangiti.

“ kinausap niya ako kanina, bantayan daw kita” sabi niya.

“ ano yun sasama ka sakin hanggang sa school ko pati sa pamamasyal?” natatawa kong sabi.

“ basta bahala ka wag ka lang papahuli kay papa, alam mo naman si papa dinala dala mo pa kasi yang lalaki dito” sabi niya ng hindi lumilingon.

Strikto kasi samin si papa kala mo naman may ginagawang masama lagi. Hindi mo talaga masisi ang isang ama kung Gawain nila yun nung kabataan nila, e ang kwento kasi saakin matinik din daw si papa sa mga babae kaya siguro ganun.

Ikaw ParinHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin