Chapter 43: Meet

32 5 0
                                    

Third Person's POV

7 years later....

"Daddyyy can i come with you pretty pleaseee?" pagmamakaawa ng batang Seiran sa kanyang ama.

"Anak importante ang pupuntahan ni Daddy so---"

"Noooo daddy i'll behave myself. I won't cause you trouble" she said and blinked her eyes many times dahilan para hindi na makahindi ang kanyang ama dahil sa kakyutan ng anak.

"Okay okay sasama ka pero promise me na behave ka lang okay?" masayang tumango ang batang Seiran at dahil sa maliit palang siya ay inakyat niya ang ama saka iniyakap ang maliliit na braso sa leeg nito.

Sumakay na sila sa nakaparadang kotse at mabilis na nagdrive papuntang Saejin Company kung saan siya nagtatrabaho bilang head ng computer department.

"Hello Mr. Alcantara" bati ng mga co-worker niya at napatingin sa batang nakahawak sa kanyang kamay.

"Ohmygad sooo beautiful. Hello baby girl!" nakangiting sabi ng isang babaeng kasing edad ng kanyang ama pero sinimangutan lang ito ni Seiran.

"I don't like you" inosente niyang sabi dahil iyon talaga ang nararamdaman niya sa babae na agad tumawa.

"Seiran apologize!" pagalit na sabi ng ama niya dahilan para mapayuko siya at binigkas ng mahina ang salitang sorry.

"Yuri she's just a child" sermon ng babae at bumaling kay Seiran.

"Little girl why don't you like me?" nakangiti niyang tanong at tinignan lang siya ni Seiran saka umiwas ng tingin.

"I don't like you to be my step mom" sagot niya na nagpatigil sa mga nakarinig dahil hindi na sikreto ang relasyon ng kanyang ama at ni Blaine.

"Wh-Why?" gulat na tanong ni Blaine dahil ngayon lang niya nameet ang anak ni Yuri tapos sasabihin niya agad na ayaw niyang maging step mom ito.

"I saw you on my daddy's wallet katabi ng picture ni mommy" sabi niya na nagpapula ng mukha ni Blaine dahil hindi niya ineexpect na may picture siya sa wallet ni Yuri.

"Seiran!" banta ng kanyang ama nang biglang nagtubig ang kanyang mga mata.

"S-Sorry" pilit niyang sabi kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mata.

"Shit baby i----"

"Mr. Alcantara? The CEO wants to see you" lumingon si Yuri sa secretary ng CEO na kapapasok sa Computer's Department kaya't binuhat niya ang kanyang anak na humarap dito.

"Susunod na ako" sabi niya at pinaupo ang bata sa kanyang table.

"Baby i'm sorry okay? I didn't mean it" pinunasan niya ang luha sa mata ni Seiran at niyakap ito.

"You really don't like her?" turo niya kay Blaine na nakangiting lumapit sakanila.

"Make it fast dad" nakangusong sabi niya dahil naiintindihan niya kung ano ang ipinupunto ng ama.

Kahit 7 years old palang si Seiran ay matured na ito mag isip pero minsan ay lumalabas ang pagiging childish nito kapag hindi niya nakuha ang gusto.

"Be good to her okay? She's your tita Blaine"

"Fine dad, go away now shupi!" pantataboy niya saka siya bumaba at umupo sa swivel chair ng ama saka binuksan ang laptop at nagsuot ng headphone.

"Please take care of my daughter for me" agad tumango si Blaine at nang hindi tumitingin si Seiran ay mabilis niyang hinalikan sa labi ang kasintahan at umalis.

"Baby Jin do you want some osmanthus cake?" nabanggit kasi dati ni Yuri na paboritong paborito ni Seiran ang Osmanthus Cake at halos araw araw ay iyon ang kinakain niya.

Lost in your Embrace [UNEDITED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu