Chapter 51: Torture

43 8 0
                                    

Dalawampung munito ang lumipas bago mahanap ni Seiran ang aparador na kinalalagyan ng damit ni Niella at nasa kabilang kwarto pa pala iyon na konektado sa kwartong kinaroroonan nila dahil may secret door pala sa likod ng aparador.

"Magaling magaling bata" puri ni Niella sa batang puno ng sugat ang buong katawan.

"Sumunod ka sakin" utos niya rito at pakendeng kendeng na lumabas.

Hirap na hirap si Seiran pero hindi siya umiyak dahil paniguradong sasaktan nanaman siya ng babae kaya't mas pinili niyang pigilan ang mga luha at tahimik na sumunod.

Lumabas sila ng mansiyon at tinungo ang maliit na bahay na may karatulang 'Torture Room'. Pagkapasok nila roon ay biglang sumuka si Seiran dahilan para makatanggap muli siya ng dalawang sampal mula sa babae.

"Wag kang maarte!" singhal niya rito nang mabilis siyang hinila ni Niella at itinulak sa malaking basin na punong puno ng tubig pero may halong asin, sili at suka.

"Subukan mong sumigaw at ibababad kita diyan ng tatlong araw!" pananakot niya at nilagyan ng panyo ang bunganga niya para hindi makasigaw.

Umiyak ng umiyak si Seiran at mas piniling pumikit saka inisip ang masasayang ala ala ng kanyang buhay. Noong mga panahong hindi pa nagkasalubong ang landas nila ni Jishen pero mas lalo siyang napaiyak ng maalala ang ama na paniguradong hinahanap na siya.

'Daddy help me!' sigaw niya sakanyang isip pero kahit anong gawin niya walang nangyayari.

Nanatili pa siya roon ng tatlong oras hanggang sa bumalik si Niella at inutusan siyang umahon.

Sinubukan niyang tumayo pero sobrang humapdi ang kanyang mga sugat at nang mapansin ni Niella na hindi pa siya umaahon ay inutusan niya ang guard na hilain siya at ginawa nga iyon ng guard saka itinapon sa kwartong may lamang dalawang malalaking tigre at halos mapasuka si Seiran nang lumingon sa paligid ng kulungan dahil fresh na fresh pa ang mga dugo at buto ng tao na naroon.

'Grrrrrroooowwwllll'

Malakas na atungal ng tigre na ikinagimbal ng kaluluwa ni Seiran.

"W-Wag p-p-please" paos na paos niyang sabi at halos hindi na marinig ang kanyang boses dahil sa sigaw ng sigaw siya magmula pa kaninang umaga.

Unti unting lumapit ang dalawang tigre sa kanyang kinaroroonan at pilit naman niyang sinisiksik ang sarili sa gilid ng pader nang maramdaman ang mahabang dila ng tigre kanyang mga sugat.

"D-Daddyy!" malakas niyang sigaw pero dahil sa sobrang hinang hina siya ay wala itong nagawa nang patuloy siyang dilaan ng mga tigre at unti unti niyang nararamdaman ang ngipin ng mas maliit na tigre sa kanyang balikat kaya't sa sobrang takot ay napatayo siya at aksidenteng nahubad ang kwintas na suot.

Sinundan ng tingin nang dalawang hayop ang lumipad na bagay at mabilis iyong kinagat ng mas malaking tigre dahilan upang mahati sa dalawa ang hugis pusong kwintas nang may lumabas na puting usok doon at biglang nagbago ang mata ng mga tigre na naging kulay ginto.

"Princess" rinig niyang sabi ng dalawang tigre at hindi siya makapaniwala kung tama ba ang nakikita.

Ang isa sa pinaka kinakatakutang hayop sa buong mundo ay kasalukuyang nakababa ang ulo na parang nakaluhod sa kanyang harapan at nagbibigay galang.

"N-N-Nagsasalita k-kayo?" mahina niyang tanong at tumingin muli sa kanya ang dalawang tigre kaya mabilis siyang nagsumiksik sa dingding.

"Princess hindi ka po namin sasaktan at oo nakakapagsalita kami dahil sa Spirit Jade Necklace mo" magalang na sabi ng mas malaking tigre.

Lost in your Embrace [UNEDITED]Where stories live. Discover now