Chapter 26: Truth

62 18 13
                                    

Jiyeon's POV

One week pass at hindi ko na nakitang muli si Seiran. Tinanong ko ang apat at sinabi lang nilang babalik siya soon pero hindi sinabi kung san pumunta at one week ko na ding napapansing napapalapit na si Aya kay Leijin . At mas lalong one week kong pinag isipan ang sinabi ni Seiran sa mga nambubully sakin at ngayon ay itatry ko muna kay Arriane.

Nasa classroom ako at nakadungaw lang sa bintana nang napalingon ako sa grupo ni Arriane at saktong sakto kumakain sila!

Tumayo ako at dumaan malapit sakanila saka pasimpleng itinaas ko ang kamay kong nakasara at kunwari lang ay pipindot ako sa cellphone ko at dahil sobrang liliit ang mga gawa ko hindi kita na nabuhos sa pagkain nila.

"Ano ba!" galit nilang sabi at sinamaan ako ng tingin, agad naman ako nagsorry at tumakbo palabas bago pa nila ako malapitan.

Haha success! 20 munites bago umepek ang Farts Pill ko at saktong klase yon ni Ma'am Jacc.

Papunta akong canteen ng makakasalubungan ko si Jishen.

Himala ha at wala yung apat pero bakit kaya?

"Jishen" nakangiti kong sabi pero tinignan lang niya ako at naglakad muli at pati ako ay nagulat ng hawakan ko ang kamay niya.

"Let.go." diin niyang sabi at madilim ang mukhang humarap sakin.

One week pass at napapansin kong bumabalik si Jishen sa dati pero mukhang mas malala ngayon. Ayaw na ayaw niyang may kumakausap sakanya at humahawak lalo na ang nga girls pero heto ako ngayon at nakahawak sakanya.

"S-Sorry" nanginginig kong sabi at binitawan siya dahil nakakatakot as in yung aura niya na parang konting galaw ko lang ay dead on the spot na.

Hindi siya nagsalita at umalis nang biglang kumirot ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

Nang bumalik ako sa ulirat ay nagtuloy na ako sa canteen at bumalik sa room kasi third subject na namin.

"Miss Jiyeon dahil ikaw ang nangunguna sa klase ko ay gusto ni Dean na ikaw ilalaban sa World Brain Tournament" biglang nag angat ng tingin si Jiyeon dahil sa sinabi ng guro.

"What?! Mam are you serious? alam niyong ito ang pinakahihintay ko!" galit na sabi ni Arriane.

"Watch your mouth young lady!" malamig na sabi ni mam at pinanlisikan ng mata si Arriane pero lumingon si Arriane sakin at pinanlisikan din ako ng mata ng biglang....

'Pppprtttrrrrtttttttt'

Sunod sunod na utot ang naririnig sa buong klase mula sa grupo ni Arriane.

Biglang nagtawanan ang klase nang hindi tumigil sa pag utot ang tatlo. Si Arriane, Valerie at Allyza.

"Anong nangyari sainyong tatlo?" tanong ni mam habang hawak hawak ang ilong gayundin ang mga kaklase namin at lahat ng nakaupo malapit sa tatlo ay nagsilayuan sa kanila.

"Mam it's *ppppprrrrtttt* not--- *pprrtt*" hindi na niya natapos ang sasabihin ng mabilis siyang lumabas at sumunod ang dalawa.

Bawat hakbang nila ay tumutunog ang kanilang pwet at lahat ng madadaanan nila ay umiiwas at may naglabas pa ng cellphone para ivideo sila at sa kamalas malasan ay rinig na rinig ang mga utot nila sa video.

Di ko naman alam pero naguiguilty ako.

Ganun na ba ako kabait?

Pero biglang nagpop up sa utak ko yung mga pinanggagawa nila sakin kaya deserve siguro nila yon.

Isa pa kulang pa kaya yun kung tutuusin...grabe sa buong pag iistay ko sa school na to ay wala silang ginawa kundi bulihin ako. Pasasalamat ko nga eh at hindi naapektuhan ang grades ko.

Lost in your Embrace [UNEDITED]Where stories live. Discover now