Chapter 52: Sold

58 10 5
                                    

"Anong kailangan niyo?" tanong ng mga guards sa may hawak kay Seiran.

"Dalhin daw namin ang batang to kay King"

"Wala si King kakaalis lang at sinabi niyang ibalik niyo daw muna kay Miss Nielle ang bata" sagot nito at isinarado ang malaking gate.

Nanigas si Seiran sa kanyang narinig dahil akala niya ay makakawala na ito sa kamay ng babaeng iyon pero heto at ibabalik nanaman siya.

Naglakad na pabalik ang mga guards na may hawak sakanya at itinapon siya na parang sako sa harapan ni Nielle.

"Princess pinapabalik po ni King dahil may emergency siyang ginawa" tumango si Nielle at naintindihan niya na kung bakit biglang nawala si Spencer gayunpaman ay naiinis padin siya kay Seiran kaya't hinawakan niya ang buhok nito at hinila hila nang makaramdam ito ng labis na sakit dahil sa kanyang buhok.

"Bitch sana naka isa kami ni Spencer kung hindi lang dahil saiyo!" sigaw niya at sinapak sapak si Seiran saka hinila palabas habang hawak padin nito ang kanyang buhok.

"Dalhan niyo ko ng tubig!" utos sa kanyang mga tauhan at maya maya pa ay buhat na nila ang isang basin ng tubig.

Humigpit pa ang hawak ni Nielle sa buhok ni Seiran nang maglaban ito at isinubsob ang siya sa tubig.

"Urrrgghhhh" paos na paos niyang hiyaw pero siya lang ang nakakarinig dahil sa nawawalan na ito ng boses.

Sa tuwing isinisisid siya sa tubig ay halos mapugnat ang kanyang hininga dahil every 1 minute and 30 seconds lang siya nakakahinga at sampung segundo lang tapos sisisid ulit.

Ilang beses na ginawa ni Nielle iyon at nang mapagod siya ay pinagsisipa niya ang murang katawan ng dalagita.

"Dalhin niyo siya sa Laundry Room at kunin niyo ang lahat ng labahan pati sa mga maids at ibigay sakanya" utos niya sa kanyang mga tauhan at tumingin ng masama kay Seiran na habol habol parin ang paghinga.

"Kailangan mong matapos lahat ng iyon hanggang bukas ng tanghali maliwanag?!" sigaw niya at tumango lang si Seiran sa sobrang takot.

Inakay siyang muli ng mga guards at pabalibag na itinapon sa Laundry Room. Pasasalamat nalang niya at sa mga damitan siya itinapon kaya't hindi ito masyadong nasaktan pero tulala siyang tumingin sa gabundok na labahan.

"But i don't know how" umiiyak niyang sabi at niyakap ang sariling puno ng sugat.

Maggagabi na ng oras na yon at wala pa siyang kinaing kahit ano magmula ng ipadala siya ni Jishen kay Nielle kaya't tunog ng tunog ang kanyang tiyan sa sobrang gutom. Lumingon siya sa paligid pero puros labahan ang nakikita niya kaya't wala siyang choice na lumapit sa tubig at uminom doon para kahit papaano ay mapawi ang kanyang gutom.

Tinignan niya ang mga naglalakihang washing machines at hindi niya kung papaano iyon gamitin dahil never pa naman niyang natry na naglaba.

Lumapit siya sa mas maliit na machine at pasasalamat nalang niya dahil merong instruction doon kaya't sinundan nalang niya ang mga nakasulat sa kung papaano gumamit ng machine.

Nagsimula na siyang magwashing at di naglaon ay natutunan na din niya at sa buong limang oras na paulit ulit ang kanyang ginagawa ay napansin niyang parang wala pang 1/4 ang nabawas sa mga labahan kaya't naiiyak siyang napaupo pero agad ding tumayo nang tumunog ang machine, senyales na tapos na kaya't isa isa niya iyong inilabas at dinala sa malaking basin saka ginawgawan.

Patuloy lang na ganon ang ginagawa niya hanggang sa mag umaga at medyo nangangalahati na siya pero problema niya dahil wala na siyang mapaglalagyan ng mga nalabhan niya kaya't inilatag niya ang malaking kurtina sa labas at doon isa isang inilagay ang mga natapos at chineck muli ang mga dryers dahil meron nanaman siyang bagong tutupiin.

Lost in your Embrace [UNEDITED]Where stories live. Discover now