Chapter 38: Doomed

50 10 4
                                    

Third Person's POV

"Jiyeon! What the hell?! Are you out of your mind?!" bulyaw ni Aya sa kaibigan matapos niyang ikwento ang nangyari sa pagitan nila ni Seiran.

"Hindi ko alam. Hindi ko sinasadya. Hindi ko din maintindihan kung bakit kinain ako ng selos" naiiyak na sagot ni Jiyeon at dumapa sa kama na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Selos? Jiyeon wala kang karapatang magselos dahil may asawa na yung tao!" yamot na yamot na sermon ni Aya.

"I can't help it. I love him. Alam kong mali pero mahal ko talaga siya at kaya kong gawin ang lahat mapasaakin lang si Jishen"

"Nababaliw ka na Jiyeon! Hindi ko na alam kung ikaw pa ba yung kaibigan ko!" galit na sigaw si Aya at padabog na lumabas ng kanilang kwarto.

"Aya?" lumingon si Aya nang may tumawag sa kanyang pangalan at nakita niya si Seiran na papasok sa hotel.

"Come with me" nagtataka man ay sinundan niya si Seiran hanggang sa makarating sila sa garden.

"Jishen will not participate sa World Brain Tournmanent at babalik kaming Ashland maya maya. Uutusan ko nalang ang driver namin na ihatid kayo sa baguio bukas"

Maang na nakatingin lang si Aya kay Seiran at hindi niya alam kung anong sasabihin.

Pamilyar na pamilyar si Aya sa lugar na Ashland dahil minsang sinabi ni Leijin sakanya na darating yung panahon na babalik silang muli roon at baka hindi na babalik uli ng pilipinas.

"B-Babalik p-pa b-ba k-kayo dito?" mabigat ang kaloobang tanong ni Aya.

"Maybe not"

Dahil sa narinig ay laglag ang balikat na napaupo si Aya sa bench at hindi matanggap na hinding hindi na niya makikita pang muli si Leijin.

"Huwag mo nang sabihin sa iba dahil ipapabura ko ang mga memorya niyo kay Ash bago kami aalis at gusto ko lang magpasalamat sainyong lahat lalo ka na dahil napapansin kong this past few days ay nagbabago si Lei" nakangiting sabi ni Seiran pero mas lalong nanigas si Aya sa kanyang kinauupuan matapos marinig na buburahin ang kanyang ala ala.

"N-No p-please. A-Ayokong makalimutan si Lei p-please" pagmamakaawa niya at ramdam ni Seiran ang pananakit ng dibdib niya.

"Pero mas lalo ka lang masasaktan kapag hindi namin gagawin yon"

"O-Okay lang kakayanin ko pero please ayoko siyang makalimutan"

Dahil sa nakikitang hirap sa mata ni Aya ay kinabig niya ito saka niyakap at doon lang nagsilaglagan ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Aya.

"Ssshhh don't cry"

"P-Pwede....b-bang...s-s-sasama nalang......a-ako s-sainyo....please?" hiling niya habang pinupunasan ang luha at kumawala sa pagkakayakap ni Seiran.

"Are you sure?"

Alam ni Seiran na wala nang mga kamag anak si Aya kaya't hinihiling niya iyon. Matagal nang patay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente at wala siyang kilalang mga kamag anak kaya't mula noon ay siya na ang bumubuhay sa sarili at kinailangan niyang magdoble kayod para masuportahan ang kanyang pag aaral.

"Yes please" pagsusumamo niya at walang magawa si Seiran kundi tumango.

"Thank youuu" magiliw na sabi ni Aya at naglulundag lundag pa na parang nanalo sa loto ng sampung milyon.

"Okay don't bother to pack your things at pumunta ka sa room namin mamaya"

Tumango lang si Aya sa sinabi ni Seiran saka sila bumalik sa loob ng hotel at nakita nila ang magkakapatid na tahimik na kumakain kaya't sinenyasagan ni Seiran si Aya at mabilis itong pumunta sa kwarto ni Sejin dahil masama padin ang loob niya kay Jiyeon.

Lost in your Embrace [UNEDITED]Where stories live. Discover now