Pangtatlumpu't-pito.

Start from the beginning
                                    

"Aray ko naman Louie!" Sigaw ni Michael.

"Masasaktan ka pa kapag pinigilan mo kami!"

"Usap lang!"

"Hindi!"

Hinila na nila ako ni Ron papunta sa kwarto nila Kat.

"Usap daw baka laplap!" Louie said. Natawa ako! Tama ka diyan girl!

"Ano ba 'yan ang aga aga sa kabastusan!" Reklamo ni Rona na ikinatawa ko na naman.

Papasok na kami sa kwarto nila Kat ng makarinig ako ng papalapit na yabag sa amin. Nang nilingon ko si Michael! Sumunod na naman!

"Sabay ako sa inyong kumain!" Sabi nito.

"Hindi. Good for 4 people lang 'tong dala namin!" Sagot agad ni Louie.

"4 people e lima kayo kasama si Logan!" Tinuro nito si Logan ng makapasok kami na katabi ni Kat na nakaupo sa kama.

"Sa baba ako kakain tara na. Hayaan natin sila." Logan said.

"Dito ko kakain!"

Pero wala na itong nagawa ng hilain siya ni Logan palabas ng kwarto. Napailing na lang ako. Parang tanga! Susunod sunod na akala mo may gusto pero wala naman. Nakakatangina!

//Rona's//

Nasa baba na kami tumutulong sa pag-aayos ng para sa tanghalian ng may makita akong pamilyar na mukha ng lalaki. Ewan ko ba nitong nakaraan feeling ko familiar 'yong mukha ng iba dito.

"Greg man get this." Sabi 'nong lalaki na pamilyar. May hawak itong bote ng tubig at pinapasa sa isang lalaki na pamilyar din. Ito 'yong nakita ko 'nong nakaraan na feeling ko pamilyar 'yong mukha.

Kinuha naman 'nong lalaki 'yong inaabot nito.

Palabas na sila ng humarap 'yong lalaki na nagabot ng tubig kay Greg. Then he smiles at me. Okay? Kaya ngitian ko din. Ayoko naman maging rude 'no. Buti umalis din agad kaya agad kong inalis 'yong ngiti sa mga labi ko.

"Hoy! Nagtatakasil ka ba kay Jeremy!" Siko sa akin ni Louie na ikinakunot ng noo ko.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Nakita ko ngitian niyo!"

"Ngumiti lang ako kasi ngumiti sa akin."

"Weh Jeremy oh! May nagtataksil sayo!" Tawag ni Louie kay Jeremy kaya siya naman ang siniko ko. "May nginingitiang iba."

Buti si Jeremy ngumiti lang. Nilabas ko ang dila ko para asarin ito. Sumbungera! Tyaka alam naman ni Jeremy na siya lang ang mahal ko.

"Bakit mo kasi tinitingnan?" Tanong ni Louie.

"Mukhang pamilyar."

"Paanong pamilyar?"

"First time ko makita dito pero feeling ko nakita ko na kung saan."

"Oh! O di kaya may kamukha lang na artista o kakilala kaya feeling mo pamilyar."

"Siguro." Kibit-balikat ko.

Nagpatuloy kami sa pagtulong.

When we finish helping agad kaming lumabas sa kusina.

Left (Season 4): Fear.Where stories live. Discover now