Nagsialisan ang mga ito sa aming harapan ni Seya at pumasok sa kanilang dalang kotse at mabilis na pinaharurot papalayo sa amin.

     "That was absolutely Adrian right there. I'm impressed. I was actually waiting for them to make a move before I hit them like a truck one by one. But your words were enough to make them tremble." natatawa pa si Seya habang tinatapik ang balikat ko.

    Sa totoo lang sobra ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'yun. Hindi ko alam kung paano ko nailabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. Siguro ayaw ko lang na masaktan si Seya dahil alam kong hindi ito magdadalawang isip na bugbugin ang mga taong nakaharap namin.

     "I had to do it or else we will face more problems if you hit just one of them. I don't want to disappoint Adrian. And I don't like to be the cause of misunderstanding inside and outside the circle."

    Tumango lang si Seya bilang sagot at muling bumalik sa loob ng kotse. Alam kong may mali na nangyayari sa loob ng organization and I have to find out kung ano 'yun.

     ------------------------------------------------------------------

     Hinanap ko sa mga files ni Adrian ang lahat ng organization na may involvement sa kanyang organisasyon. Wala akong maisip na isa man na kakalaban sa malakas na samahan ni Adrian at maaring isang nasa loob ang gustong ungusan si Adrian o isa sa mga higher ups nila.

     Hinala pa lamang ang meron ako ngunit kung tama man ako sa hinala ko, ngayon pa lamang ay kailangan ko na sabihin kay Adrian ang aking  nalalaman.

    At tama lamang ang aking binabalak na gawin dahil inunahan na ako ni Adrian sa pagtawag. Agad ko itong sinagot at sigaw ng kasiyahan ang agad na narinig ko sa kabilang linya.

    "Hey? Anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw diyan? Bakit parang ang saya mo 'ata?"

     Patuloy lang siya sa pagtawa sa kabilang linya na parang isang teenager na tinamaan ng kilig.

    "You won't believe this.. But Janus and I.. We--- We just kissed earlier. I've been wanting to do that for a long time. And now, nangyari na ang bagay na 'yun."

     "Teka--- Anong? You mean.. Janus knows everything? Alam na niya nan nagpapanggap ka lang?"

     Nakita ko si Seya na pumasok sa pinto ng opisina. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Adrian ngayong nasa loob ng opisina si Seya.

      "Yeah.. Alamna niya ang lahat. And he admitted to me that he still feels the same way towards me after all these years being away from each other."

      Nakita kong kumuha ng isang file si Seya at binabasa ito habang nakasandal sa counter top na linalagyan ng coffee maker at microwave.

     "I'm happy that you finally made it happen. Matagal mo ring hinintay ang pagkakataon na 'yun."

     Nakita ko si Seya na walang emosiyon na nagbabasa ng file na hawak niya. Alam kong alam niya na ang pinag-uusapan namin ng kakambal ko.

      "I will have to deal with all the shit that is happening here, then I will get back there with Janus. Gusto kong makasama siya for real this time."

    Naibagsak ni Seya ang hawak niyang file at mabilis na lumabas ng opisina. Naririnig niya ang usapan namin ni Adrian? How was that possible?

   "Seya.. Seya just heard everything you said."

   Hindi ko mapigilang masaktan para kay Seya. Alam kong mahal niya ang kapatid ko pero bakit parang mas doble ang sakit na nararamdaman ko para sa kanya?

The Bedwarmer (BL)Where stories live. Discover now