What the heck, Rein? Niyakap ka ng babaeng matagal mo nang pinapangarap tapos ganyan lang ang sasabihin mo? Damn it. I mentally kicked myself again. This is really getting awkward. Mabuti na lang at biglang umeksena si Prof Lavista at pumagitna sa'min.

"Ehem! I'm glad you're finally back, Mr. Aristello. Pero pwede bang 'wag mo munang landiin ang unica hija ko sa gitna ng klase natin? Public display of affection among students, especially during class hours, is a violation of the---"

"---of the Eastwood Central University's general rules and regulations. I know, prof. Sorry po." At nauna na akong naglakad pabalik sa upuan ko. Pamela gave me a reassuring smile as she returned to her seat, too. Napapailing na lang ang propesor namin habang natatawa naman ang iba pa naming mga kaklase. Umagang-umaga, para na silang nakapanood ng teledrama.

I sighed and tried to listen to the discussion.

Maya-maya pa, kinalabit ako ng isa naming kaklase.

"Psst! Rein, may pinapabigay daw si Pam." Mapang-asar pang nakangisi si Lance nang iabot sa'kin ang kapirasong papel.

"Uh, thanks..."

Nang lingunin ko ang direksyon ni Pamela, abala pa rin siya sa pagsusulat ng notes. Mabilis ko namang binuksan ang papel at napangiti sa nabasa ko.

Dear Rein,

I know it's embarrassing to write you a love letter in the middle of class, pero gusto ko lang malaman mo na masaya akong okay ka na. Marami akong gustong sabihin sa'yo. How about a study date tonight at 8 PM? Don't worry, hindi ito malalaman ni daddy. Hahaha! :)

Sincerely,
Pamela

Naka-comatose siguro talaga ako ngayon kaya ganito kadetalyado ang panaginip na binubuo ng utak ko. Is Pamela Lavista asking me out on a date? Shit. It's a dream come true!

Pero syempre, agad ring naglaho ang ngiti ko nang bigla akong naka-receive ng text message galing kay Caprissa.

From: Caprissa

Kuya Rein, pinapatawag po tau ni Lady Medusa mamayang gabi. @ NR park, 8pm. Importante raw (〒﹏〒) natatakot ako kuyaa.... Pano kung nalaman na pla ni Lady M na nagccnungaling tau?

Bigla akong kinabahan nang mabasa ko ang mensahe ni Caprissa. Bakit kaya kami kailangang kausapin ni Lady Medusa?

Then, there was another text message. Nang mabasa ko ang text ng magulang ko, nagkaroon na ako ng kutob kung tungkol saan ang pag-uusapan namin mamayang gabi. 'Shit! Paano niya nagawa 'yon?'

Hindi na ako nakinig nang maayos sa klase. And with every second passing by, I'm getting more nervous.

*

Lady Medusa stood underneath the acacia tree at the center of Night Raven's Park. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatayo rito habang malalim pa ring nag-iisip.

'In a few minutes, they'll be here.'

Nakasuot siya ngayon ng isang kulay kahel na bestida. She wore a black opal studded necklace wih her hair tied up in a high ponytail. Nakasimangot ang mapupula niyang mga labi habang nakatanaw sa kalangitan. She clasped her hands behind her back, and heaved a sigh.

Kalat na ngayon sa buong Olympus ang ginawa nilang pagnakaw sa chariot ni Apollo at pagpunta sa Labyrinth kahit pa mahigpit itong ipinagbabawal ni Zeus. Finally, the few gods and goddesses out there who believed she was innocent were convinced of her crimes. Idagdag pa rito ang sinisimulang rebelyon ni Ares sa likod ng kanyang ama.

"Zeus sent an annoucement earlier, bitch. He was actually trying to negotiate with you. Kung hindi mo raw isusuko ang sarili mo sa temple ng Olympus sa loob ng tatlong araw, ipapadala niya ang lahat ng mga diyos at diyosa para huliin ka. The old man is threatening to burn the town if you don't give up!" Morgana told her the night before over a communication spell.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now