DUODEQUINQUAGINTA

Start from the beginning
                                    

You need to bleed out the pain in the form of tears, that way it'll hopefully lessen the emotional burden.

Makalipas ang ilang segundo, nagsalita na ako, "I'm sorry."

Caprissa sniffed and looked at me with teary eyes, "Huh? Bakit ka po nagso-sorry, Kuya Rein? Wala ka naman pong ginawang masama. Si Anteros ang sumira sa hideout natin."

"I-I'm saying sorry because I wasn't here when you and Markus needed me. Wala akong naitulong sa inyo noong umatake si Anteros.. I feel guilty. Sa sandaling panahong magkakasama tayo, pamilya na ang turing ko sa inyo. Kung nanlaban lang sana ako kina Stheno at Euryale, hindi sana ako makikidnap at hindi sana mangyayari ito..  I'm sorry I'm not strong enough, Caprissa.. I'm sorry you two had to face this tragedy alone."

Malungkot na ngumiti ang bata. "You shouldn't feel sorry, Kuya Rein. Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo lalo na sa mga pangyayaring hindi mo naman kontrolado. We're just happy that you and Lady Medusa are safe."

Yup. Mas matured kaysa sa'kin ang batang ito.

"Meow!"

Napatingin kami sa kulay kahel na pusang lumapit sa'min. Mula nang dumating kami rito, hindi ko pa rin mabasa ang emosyon sa mga mata ni Lady Medusa. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko may nagbago sa kanya mula nang maramdman niya ang presensiya kanina nina Ares at Poseidon. As much as I want to punch that rapist in the face and send him flying to the Arctic Ocean for what he did to Lady Medusa, alam kong mas lalo akong walang laban sa isang Olympian god.

But that doesn't mean I'll give up.

Hindi ako susuko hangga't hindi niya napagbabayaran ang ginawa niya sa boss namin. If Zeus was stupid enough to let him walk around like an innocent man, I fucking won't.

"Hey!"

Hinihingal na lumapit sa'min si Markus. Kanina pa ito may kausap sa telepono kaya lumayo siya sa'min kanina. Hindi naman sa pagiging tsismoso, pero base sa nakakunot niyang noo at mahinang boses, I could only guess that whatever the person on the other end of the line was telling him---it wasn't good.

"Glad you're finally back, Rein. Kamusta ang field trip mo sa Underworld?"

Napakamot ako ng ulo dahil sa tanong ni Markus. "Well, aside from the reverse waterfalls, weird meat salad, and the giant creepy spider, I'm just glad we survived.."

"Meow."

Pero noong mga sandaling 'yon, nagkatinginan sila ni Caprissa. 'Ano bang problema ng dalawang 'to?' isip-isip ko habang nakasimantot. Sa kabila ng trahedyang nangyari, nagawa pa rin nilang ngumiti nang nakakaloko sa'min. Finally, the lazy ass emo sighed and pocketed his hands. Parang tinatamad pa itong magsalita kahit pa mapang-asar ang ngisi niya, "So, since you and Lady Medusa were gone for a couple of days, did anything special happened?"

"W-What the hell?!"

"M-Meow?!"

Caprissa giggled at us.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. I mean, Lady Medusa and I kissed---but it didn't mean anything, right? Tsk. Pero sa kabila nito, alam kong namumula ang mga tainga ko. Napaisip tuloy ako kung sa ilalim ng balahibo ngayon ni Lady Medusa, namumula rin kaya ang mga pisngi niya sa hiya?

No.

Hindi ko na dapat balikan ang alaala ng halikan namin ni Lady Medusa sa gubat. It was just a spur of the moment. Hindi ko kayang lokohin si Pamela, kahit pa mas lumalim ang samahan namin ng maldita kong amo.

'Tama nga si Chiron. You're always making up excuses to not have feelings for your boss.'

Pull yourself together, Rein.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now