Umirap si Rachel sa kanya.

"Respeto? Kaya kahit na kamamatay lang ng ex mo ay dinala mo agad 'yung bago mo? Hindi mo ba naririnig ang bulungan ng mga tao dito?" Sinulyapan ni Rachel ang ilang mga kamag-anak ni Stephen na nakatingin sa kanila.

Kinagat ni Samuela ang labi niya. Naiintindihan niya ang sinasabi ni Rachel. Siguro nga ay masyado siyang insensitive sa pagsasama kay Athos rito. But he's her bodyguard... wala naman sigurong masama dito.

"Naiintindihan kita, Rachel. But he's my bodyguard, too. Naririto siya at ginagawa ang trabaho niya. I don't think why I need to explain this to everyone."

"Kung tunay na nirerespeto mo si Stephen, umalis ka na. Patay na nga ang tao, tapos harap harapan mo pang dinidisplay 'yang pamalit sa kanya."

Tumango si Samuela. Alright! Tutal naman ay ganoon na siguro ang iniisip ng lahat.

"Huwag kang mag-alala. Uuwi rin ako." Aniya at tinalikura na si Rachel.

Umupo siya sa tabihan ni Athos at Gregory. Mabuti na lang at nakashades siya para hindi malaman ng iba na nakikita niya ang paninitig nila sa kanya.

G

regory is silent. Kagaya ni Athos, nakasuot ito ng kulay puting long sleeves na tinupi hanggang siko at may suot na shades. Nakatitig ito sa kanyang cellphone at minsan ay nanonood sa ilang mga babaeng nakatingin sa kanya.

"Are you okay?" Tanong ni Athos.

Tumango siya at uminom sa kape niya. Nakaupo sila sa ilalim ng puno ngayon.

"Yes. I am just shocked. I still can't believe he's dead." She whispered.

"I will look into it, Sam. Don't worry. At kung totoo man na nadamay siya sa note na binigay sa'yo... pananagutin natin sila." Ani Athos.

Tumango si Samuela. Kahit hindi niya 'yon sabihin, ay iyon ang kanyang gagawin. Madami na ang nadadamay sa gulong ito.

Umalis din sila matapos ang isang oras. Wala nang siyang balak pang magtagal doon.

Nagdrive si Athos papunta sa mga kainan para kumain saglit. Sumama doon sina Gregory at Hans pero bumukod ng table.

Habang kumakain, napag-usapan nila ang pagpanaw na din ni Roces kaninang madaling araw. Isang nakamamatay na lason ang inihalo sa pagkain nito. Milagro nga daw na naisugod pa sa hospital pero binawian din.

Pinaghahanap na ang nagluto at nagjatid ng pagkain kay Roces. Napalingon sila sa tumayo na si Gregory habang may tinatawagan.

Bumalik ito saglit at nilingon si Athos. Iniabot nito ang phone niya. Tinanggap iyon ni Athos ng  may nagsalubong na mga kilay.

"Nandito kami, Thea..." Tumikhim si Athos. "Ganoon ba? May ginagawa ako. Si Felicity?"

Nakikinig si Samuela at nag-umpisa nang tumikim ng desserts sa mesa.

"Sige, susubukan ko... kung 'di makakasipot 'yon... magpahatid ka na kay Manong. Bukas na lang." Ani Athos.

Binalik niya ang cellphone kay Gregory at bumalik na sa kanilang mesa.

"Si Althea?" Tanong niya.

Tumango si Athos at tumikhim sa cake niya sa plato.

"Oo. Nandyan siya sa malapit na botique at naghahanap ng evening dress para bukas. Hindi sinipot ni Felicity kaya nagtatanong kung mapupuntahan ko ba para sa suggestions... Si Mama naman ay nag-aayos ng para sa party."

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now