S.U. 15 Worrying Part

Start from the beginning
                                    

"I just wanna ask, how's Hailey? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Huling kita ko pa sa kanya nung nagpunta siya sa Guidance and Dean's office." Malungkot na sambit ni Prince Knox. Yun pala ang kailangan niya. Akala ko naman i-invite kami mag lunch. Hmp!

"Prince ako na ang sasagot ha, mukhang wala sa sarili ang kausap mo." Wika ni Aub. panira talaga to ng moment!

"Actually hindi rin namin alam. Gusto ko nga rin itanong sayo since naging malapit din kayo sa isat-isa. Pero dahil nagtanong ka, wala ka rin palang alam. Sobrang nag-aalala rin kami dahil alam kong magulo ang isip niya."

"Kung ganon kailangan ko nang tawagan si Tita Heidy about kay Hailey. I don't want to bother her pero kung pare parehas tayong walang alam dapat nga itanong ko na kay Tita." Sagot sa amin ni prince. Buti pa siya close na rin sa mommy ni Hailey. Dapat maging close din siya sa mommy ko.

"Hoy Aviana, di ka ba talaga titigil sa day dreaming mo? Magsalita ka kaya!" Bulong sa akin Aubrille. Kasi naman sinira niya na ang poise ko. Nahihiya tuloy ako kay Prince.

"Sinira mo kasi ang poise ko, kainis ka!" Bulong ko rin kay Aub. "Anong sabi mo Aviana sinira ko ang poise mo?" Malakas na tanong ni Aub na alam kong narinig ni Prince. Imbiyerna ka talaga Aub. Pinag-titripan mo na naman ako.

"I mean, yes prince call tita Heidy na right now. Para alam na natin kung nasaan si Hailey." Sabay kurot ko kay Aubrille. Nakakailan na siya sa akin ngayon ah.

"Okay, wait a minute" Kinuha ni Prince ang fone niya at sinimulang tawagan si Tita Heidy. Wow Armani top with Fred Perry faded jeans. I-partner pa ang Kenneth Cole Black label edition shoes, nice OOTD prince. Ang hot mo talaga sa kahit anong clothing brand.

"Good morning Tita Hei, how are you?" Narinig nalang namin na wika ni prince sa fone.

"I'm good also, just want to check if Hailey's fine? She's with you?"

"Oh I see. Hindi po kasi namin alam. Kahit ang mga friends niya dito. Okay tita, thank you. Sorry to disturb you."

"Vian and Aub wala pala si Hailey sa kanila. May inaasikaso daw sa ilang business nila out of town  at nakapag bigay na ng notice of her absence sa admin nung isang araw pa."

"Oh really? bakit hindi alam ng prof kanina?" Tanong agad ni Aub na nakakunot noo.

"Baka hindi na-inform sa prof niyo kanina. Sana man lang nagpasabi si Hailey. Nakakapag-alala kasi pag ganyan na bigla siyang mawawala pagkatapos ng ilang pangyayari." Bakas sa mukha ni Prince ang sobrang pagkalungkot. Bakit nga naman hindi nagsabi sa amin un, she can call or text naman ah.

"Baka busy or importante ang inaasikaso niya. Kaya siya nagmamadali umalis nung nakaraan." Wika ni Aubrille.

"Maybe, so let's eat our lunch? Come with me my treat." Oh my! Eto na ang sinasabi ko. Yehey! Gusto niya na kami kasabay kumain kahit wala si Hailey. Ang puso ko tuloy lumilipad na, please cupid panain mo na ang puso ni Knox at patamain mo sa lumilipad kong puso.. Nagwawala na sila! 

"Hoy, Avian. Mahiya ka naman, para kang tanga diyan. Ngiting clown yang nasa mukha mo. Abot na sa ulo mo." Biglang sambit ni Aubrille. Wala akong paki, sana may dumating na kupido!

JIA WANG'S POV

"Nakita niyo ba si my loves? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Tapos sabi niya sa akin pipili daw sila ni Caiden ng ibebentang instrument. Sa monday na yung event nila di ba?" Nag woworry ako kay Ms. Lovely, nabalitaan ko na pinatawag siya ng guidance.

Ayaw ko siyang papiliin dahil alam kong talo kami. Mas lamang ang mga buwisit na Orphic Braw na yun dahil kay Knox. Pero sana maging kaibigan pa rin namin siya. Kahit hindi sa loob ng paaralan, ayos lang. Bakit kaya wala siya, ano na kayang nangyari sa pag-uusap nila ng guidance officer. Dapat exempted ang mga babae sa rule #1 e. Nakakainis tuloy.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now