"I had a talk to my private intel. Nakumpirma nila na may anak si Uno. Hindi lang nila malaman kung involved ba iyon sa pagpapatakbo ng grupo o wala."  Bulalas ni Athos.

"Do we have a name, then?" Tanong ni Kristoff.

"Ara." May diin na sabi ni Athos. "Iyon ang nakuha nilang pangalan."

"Ara?" Ulit ni Gregory at uminom sa kanyang alak.

Nanatiling nakatayo si Samuela doon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Gusto niyang tanungin si Athos tungkol doon. Sino at saan nakuha iyong pangalan na Ara? Pero paano? Sinabi niya kanina na matutulog na siya kaya malaya silang makakapag-usap doon sa sala.

Anak ni Uno? Sumeryoso si Samuela at dinikit pa ang tenga sa dingding. Nag-aabang kung sino iyong tinutukoy at paano nalaman ang impormasyon?

Naputol din naman agad ang usapan doon nang magsingit ng ibang usapan si Gregory. Tungkol iyon sa mga ilang kaibigan nila.

Tumungo na siya sa kama at humiga. Sa dami ng iniisip niya, nakatulog na siya.

Nagising na lang siya ng pumasok sa kanyang kwarto at humiga sa kanyang tabi si Athos. Sinilip niya ang kanyang orasan.

Ala una na ng umaga. Ngumiti ang binata sa kanya na ngayon ay niyayakap ang kanyang baywang.

"Sorry. Did I wake you?" Tanong ni Athos.

Umiling si Samuela at nagkusot ng mata.

"Katatapos niyo lang?"

"No. Umuwi na sila kaninang alas dose. I cleaned and talked to work a bit."

Tumango si Samuela at humiga na papaharap sa binata. Nakatitig si Athos sa kanya ngayon. Naamoy niya ang amoy ng alak na ininom nila. Ngumuso siya sa binata.

"What's on your beautiful mind, huh?" Tanong ni Athos at hinalikan ang kanyang noo.

Umiling si Samuela.

"Nothing. Just thinking if you drink a lot..."

Hinigpitan ni Athos ang kanyang yakap sa dalaga. Nadarama na din ni Samua ang mabalahibong binti nito na nagkukulong kanya.

"Hmmm. Not anymore. Noong senior highschool, madalas. Noong nagsundalo, minsan lang 'pag may okasyon."

Naningkit ang mga mata ni Samuela.

"I heard somewhere na laman ng mga night bar ang mga sundalo kapag nadedestino sa malayo. Naghahanap ng pansamantalang ligaya."

Hindi na napigilan ni Athos na humalakhak doon.

"Damn, lasing na nga ata ako. You're making me crazy, baby." He chuckled sexily.

"Huwag kang mag-alala. Palagi ako sa bundok, Attorney... at walang night bar doon kung iyon ang kinatatakot mo."

Sumimangot si Samuela.

"Walang babae sa bundok?" Tanong ni Samuela.

Hindi niya mawari kung siya ba ang nakainom dahil sa mga pinagsasasabi niya ngayon.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now