That whole week wala akong ibang ginawa kundi isubsob ang sarili ko sa trabaho while Seya was nowhere to be found. Marahil ay nanatili siya sa Mining Site at ayaw niya akong makasama sa iisang lugar. Iniisip ko na baka ayaw niya talaga sa akin.

     I was trying to take a dip in the swimming pool nang biglang magpakita sa akin si Seya. I can see the hard look in his eyes at nakatitig siya ng masama sa akin.

    Mabilis siyang lumapit at ipinakita niya sa akin ang phone niya. Nakita ko sa screen ang picture ni Janus at Adrian na magkasama sa loob ng isang restaurant. Tumatawa sila at napatingin ako sa mukha ni Seya. Kita ko ang galit at sakit na nararamdaman niya.

     "So this is what he is doing back there? Meeting up with this guy? He promised me that it was all for the vengeance. But why is he doing this? Huh? Was this also in your plans?"

    Umiling ako at bigla niya akong hinawakan sa aking bisig at pinisil niya ito ng malakas. He was strong that I can't help but resist his actions.

     "We never planned about this, Seya. It is his doing and I really don't know what's going on with his mind meeting up with my friend. And please, you know what kind of relationship you have with my brother."

    "You know nothing, Edrian!! Why the fuck is he doing this to me? Am I not enough for him? I'VE DONE EVERYTHING I CAN FOR HIM TO LOVE ME!" hiyaw niya sa akin sabay taboy niya na kinatumba ko.

     Kita ko ang pagluha niya at pinagsisipa niya lahat ng makikita niyang bagay. Sinuntok niya ang posteng nasa shade ng pool area na dahilan para dumugo ang kanyang kamay.

     Tumayo ako at tinakbo ko ang kinaroroonan niya para awatin siya sa kanyang ginagawa.

     "Seya! Stop it! You're hurting yourself!" pagpigil ko sa kanya sabay ng kanyang pagsigaw at pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

      Nang tumigil na siya ay binaling niya sa akin ang kanyang atensiyon. Kita ko sa mata niya ang pagkamuhi at pagkagalit.

      "This is all your fault! This is all your doing! If you haven't asked him to do this stupid revenge you want for yourself, this would have not happened. Your selfish ass made Adrian change his mind and heart for me."

     "I know its my fault.. Did you ever think that it was easy for me to decide all of this? I could've just let things go away and move on. But everytime I have nightmares about the things those people have done to me, it drives me crazy! It makes me want to just end my own life than to have those nightmares every night."

     Hindi ko na rin napigilang ilabas ang nararamdaman ko. Hindi ko din mapigilang magalit dahil ako ang naging dahilan para masaktan ang taong nagiging dahilan ng kasiyahan ko.

     Siguro nga wala na akong pag-asa na makahanap pa ng totoong kaligayahan. My life will just be a living nightmare for the rest of it.

    "You are to be blamed for your weakness. You will never even be half as good as Adrian. You are a weakling and knows nothing but to whine his sorry ass. I feel pity for your family for having a weakling like you."

    Hindi ko alam kung sa sobrang pagkainsulto bang naramdaman ko at nasuntok ko si Seya sa kanyang mukha. Ngayon ko lang nakita ang totoong kulay niya. Ganito pala ang tingin niya sa akin.

    Napangisi lang siya sa ginawa kong suntok na sinundan ko pa ng isang mas malakas.

    "Yes.. I am a weakling. But you have no right to feel pity towards me. You are the pitiful one. You are loving someone who will never love you the same way."

    Iyon ang huli kong sinabi bago ko siya talikuran at pahiran ko ang luha sa mga mata ko. Sanay na akong masaktan ngunit ang marinig ang mga bagay na 'yun kay Seya, para akong paulit-ulit na tinatadyakan sa dibdib ko.

    I've fallen for someone who will never see me as a person. Just like all the others who used me just like an object.

     --------------------------------------------------------------

    Inayos ko ang aking mga dadalhin papuntang Russia. May nakatakdang pagkikita si Adrian at Yslav Kurnikova, ang matalik niyang kaibigan simula pa nung college days niya.

     Alam ni Yslav na hindi ako si Adrian dahil pinaalam na rin ng kapatid ko sa kanya pero may isang mahalagang kliyente kaming kakatagpuin at kailangan kong magpanggap bilang si Adrian sa harapan nito as it has to be.

    Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Seya na nasa sala at humihithit ng kanyang sigarilyo. Binendahan niya ang kanyang kamay na nagkasugat sa pagsuntok niya sa poste noong isang araw. Ang araw na ipinakita niya sa akin kung anong klaseng pagkatao meron siya.

    Nakita niya ang pagbaba ko at agad niyang pinatay sa ashtray ang sigarilyong hawak niya at lumapit sa akin.

   "I'll take you to the airport. It will be a long drive."

    Umiling ako sa kanya at hindi na siya sinagot pa.

    "Look.. You can hate me for what I have said the other day. I was out of my usual self. I know what I did was wrong. So please, just let me do this one."

    "You don't have to if its just for pity's sake. I can handle myself well enough. You should just go back to the Mining Site and get busy."

    Pero hindi siya nakinig sa akin at inagaw sa akin ang aking luggage at mabilis siyang naglakad palabas ng pintuan patungo sa nakagaraheng yellow na Lamborghini Aventador na pag-aari niya.

     Kahit naman makipagtalo ako sa kanya, alam kong siya pa rin ang mananalo sa huli. Siya ang masusunod dahil siya ang mas nakakaalam sa mga bagay kesa sa akin.

    "You better hurry up.. Yslav is not a very patient person. You don't want your flight to be delayed."

    Umiling nalang ako at sumakay sa passenger seat ng kanyang kotse at mabilis niya itong pinaharurot.

    Hindi kami nagkibuan sa buong biyahe patungo sa airport. Nakikita ko sa peripheral vision ko ang pagnakaw tingin niya sa akin.

     "I never thought that Adrian would still be in love with that guy. After so many years of not seeing him, he still loved him. And I can't compete with that kind of person who owns the heart of the one that I love." basag niya sa katahimikan naming dalawa at napatingin ako sa kanya.

    "Whenever I asked him if we can be together as lovers, he just refuse to say yes. And I know at that moment, he loves someone more than anyone else that ever came into his life."

    "Janus was someone very special to him, Seya. Even I could never compete with that guy when it comes to Adrian."

    Tumango lang siya at patuloy sa kanya magdadrive.

     "That's why I'm giving up on making him mine. There's no use if he finally found his way to the one he really loves. All I can do now is just be his loyal right hand. Maybe I was meant to be just his trusted friend. Not his lover."

    Kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Alam kong nasasaktan siya sa mga nangyayari. Hindi madaling iwaglit ang nararamdaman mo para sa isang tao.

     At maging ako, kahit alam kong nasaktan niya ang damdamin ko, hindi ko mapigilang hindi siya patawarin at muling umasa na magigising nalang siya isang araw na ako na ang tinitibok ng puso niya.

   "You will find that right person who deserves you."

    "That's just the cheeziest line I've ever heard from a person."

   Hindi ko napigilang mapangiti at siya rin naman at natawa sa sarili niya.

     Nakarating kami ng airport just in time at tuluyan siyang nagpaalam sa akin nang makasampa na ako sa private jet ni Adrian.

     Marami akong katanungan sa isip ko. Paano kung matapos na ang lahat ng ito? Ano ang mangyayari? Magiging masaya ba ako sa bandang huli? Magiging tama na ba lahat?
 
       -------------------◇◇◇◇◇◇---------------

The Bedwarmer (BL)Where stories live. Discover now