Chapter 68: Birthday

168 29 1
                                    

Tahimik ang paligid habang pinag mamasdan ng isang magandang babae ang buong kapaligiran nya. Masarap talaga mag muni-muni pag payapa ang kapaligiran mo.

"Mahal na Reyna!" Agad na paharap ang babae sa isang lalaking humahangos, tila pagod na pagod at di maipaliwanag ang nararamdaman pero nakuha parin ng lalaki na lumuhod at tumungo upang mag bigay galang.

"Ano iyon, kawal?" Malumanay ngunit nag tatakang tanong sa kanya ng babaeng tinawag nya na Reyna.

"Ipag paumanhin nyo po ang aking kalapastanganan na guluhin ang inyong pag papahinga..." Tumigil saglit ang kawal sa kanyang pag sasalita upang huminga ng malalim. "Nais ko lang po na ipabatid na nandito ang mahal na Hari upang kayo'y makita. Nag pupumilit po s'yang pumasok dito."

Nang matapos iyon sabihin ng lalaki ay marahas namang bumukas ang pinasukan ding pintuan ng kawal kanina.

Humarap sa Reyna ang matipunong lalaki na puno ng galit ang nararamdaman. Hindi maipag kakaila ng Reyna na sya'y kinabahan sa ipinakitang asta sa kanya ng Hari.

"Anong iyong sadya dito, mahal na Hari?" Puno ng pag tatakang tanong ng Reyna sa kaharap nya ngayon kahit may hinuha na sya sa totoong pakay nito sa kanya.

'Nabalitaan na nya kaya? Ngunit paano?'

"Totoo ba ang aking nalaman?!" Puno ng puot at galit ang maririnig sa boses ng Hari. Tila ba kahit sino ay hindi sya magagawang pakalmahin man lang.

Bago sya mag salita ay tiningnan nya muna ang kawal na kanilang kasama. Mukhang nakuha naman ng kawal ang kanyang ninanais kaya mabilis itong nag bigay galang at dali-dali na ding umalis.

"Ano ang iyong ibig sabihin?" Baling nya naman sa Hari.

"Wag mo nang ipag kaila! May nakarating sa aking balita! Nasaan ang bata!?"

Tila binuhusan ng malamig na malamig na tubig ang Reyna sa sinabi ng kanyang kabiak. Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang isagot sa lalaki. Sino naman kaya ang lapastangang nakapag sabi dito?

Matagal na nyang tinatago ang sekretong iyon... walong taon na rin ang nakalipas. Akala nya'y matagal nang namatay ang balitang iyon. Saan nya ito nalaman?

Gulong gulo ang isip ng Reyna kaya hindi nya agad nasagot ang tanong sa kanya. Dahil doon, lalong nag hinala ang Hari na tama nga sya.

"Bakit hindi ka makasagot?!" Gigil na gigil na sigaw ng Hari.

Pinilit naman pakalmahin ng Reyna ang kanyang sarili. Pag pinatulan nya ito ay baka kung saan lamang mapunta ang kanilang usapan.

"Sinong bata ba ang iyong tinutukoy?" Kunot noong tanong nito. Kailangan nyang umakto ng normal. Matalas ang pakiramdam ng kanyang kausap, isang maling sagot lamang ay alam nyang lalong mahahalata sya ng lalaki.

'Hindi... hindi nya maaaring malaman ang totoo.'

-

"Fuck!" Naibulaslas ko ng bigla akong maalingpungatan.

Isa na namang panaginip. Matagal na din simula ng managinip ako ng kakaiba at ngayon lang ulit ito naulit.

Hanggang ngayon ay nag tataka padin ako sa mga pinapakita sa akin ng utak ko pero isa lang ang nasisigurado ko... Pamihadong kunektado sa akin ang lahat ng ito.

"What the hell!" Napahilamos nalang ako sa mukha ko habang tumatayo mula sa pag kakahiga. Nakatulog na pala ako dito sa sofa.

Napatingin ako sa paligid, wala akong ni isang taong nakita ngunit may nararamdaman akong naka titig sa akin.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now