Chapter 13: New Journey

361 61 0
                                    

"Sir, eto na po yung inorder nyo."

Naputol ang aking pag iisip ng marinig ko yung boses ni manang na kumuha ng order namin kanina. Pinatong nya muna ang tatlong malalaking plastic na nag lalaman ng mga pagkain namin.

"Sir gusto nyo po bang ipahatid namin to sa room nyo?" Offer nya pa.

"Ah wag na po, tatlo naman po kami kaya na namin to." Magalang na sagot ni Kirby.

Saglit pang nakipag usap si Milo don kay Manang bago kami hinarap, agad nyang kinuha yung dalawang plastic samantalang si Kirby naman ay dinala din yung isa pa. Tiningnan ko silang dalawa ng nag tataka.

"Nasan yung dadalhin ko?" Tinaasan ko sila ng kilay.

Ngumiti lang si Milo at tinaas pa yung dalawa nyang kamay. "No need, I can handle this." Nakangiti nyang sagot.

Tumango ako at di nalang umimik.

"Hold to my shoulder." Pukaw sa amin ni Milo.

Oo nga pala hindi na kami mag lalakad. Humawak kaming dalawa ni Kirby sa mag kabilang balikat nya. Hindi na kami nag hintay pa ng matagal dahil agad din namang ginamit ni Milo ang kakayahan nya.

---

"Mia saan ka nga pala galing?" Tanong sa akin ng mahiyain na si Kirby na sya namang ikinagulat ko.

Nandito ako sa pinaka likod na bahagi ng room namin, kakatapos ko lang kasi kumain kaya nag mamasid nalang ako sa ibang hindi pa tapos, at hindi ko namalayang nakalapit na pala si Kirby sakin at nakatayo na gilid ko.

"Ah..." Pag sasatinig ko, hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Saan?" Pag uusisa nya.

"Normal world?" Alangan namang sagot ko.

"What?" Nanlaki ang kanyang mata at tiningnan ako. Bakas na bakas sa kanyang bilugang mukha ang pag kagulat, mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"Yeah. Galing ako sa mundo ng mga normal na tao." Walang ganang sagot ko.

Kasi naman eh, alam kong kahit sino naman talaga hindi ma niniwala sa akin.

"How come that you came here?"

"Dunno." Tipid ko lang syang sinagot.

Medyo lumayo ako ng kay Kirby at nag simulang mag lakad papunta naman sa upuan ko. Nakaka ramdam kasi ako ng awkwardness pag si Kirby ang kausap ko. Ewan ko ba, siguro di lang ako sanay.

Hinarap ko ang apat na lalaki na naka palibot sa upuan ko. "Tabi." Malamig na tonong pag tataboy ko sa kanila.

Binaling ko ang aking tingin kay Thunder na nakaupo sa armchair. "Paupo muna." Malalim ang boses tugon nya.

Napansin sigurong sa kanya ako nakatingin. "Kung gusto mong maupo, sa upuan mismo, hindi sa lamesa!" Matalim ko syang tiningnan ng bigla nyang ipinatong ang paa nya sa upuan ko. "Upuan yan hindi apakan." Saway ko pa.

"Okey, Miss Curmudgeonly." Ngumiti sya sa akin at tumayo.

Matalim ko syang inirapan na halos ikaikot na ng buong eye balls ko. "Sinong may sabing masungit ako?!"

Bahagya syang umatras palikod at hinarang pa ang kanyang palad sa akin. "Did I say you're masungit?" Kunwaring nag tatakang tanong nya sa akin pero may ngisi sa kanyang mga labi.

"Bwisit ka!" Inis na sagot ko.

Nakakainis na tong lalaki nato, napaka presko kala mo naman gwapo.

Gwapo naman talaga Melissa!

Iniling ko ang aking ulo upang matanggal ang maharot na agiw sa aking isip.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now