Chapter 10: Royal Class Family

353 61 0
                                    

Wala pang isang minuto ay parang biglang nag karoon ng rebulosyon sa buong room dahil naging maayos at tila walang naganap na introduction sa pagitan namin lahat.

"Mia!" Tawag sakin ni Lucio at isenenyas ang bakanteng upuan sa pagitan nila ni Leonder.

Dalawa pa naman ang banteng upuan. Isa sa harap kung saan naka upo si Lucio at isa sa likod kung saan katabi ni Trump.

Kaya mas pinili ko nalang na sa gitna nila Lucio at Leonder.

Ilang sandali lang ang lumipas ay biglang may pumasok na isang matandang lalaki at sa tantya ko'y nasa mid 40's narin mukhang sya yung teacher namin.

Tinitigan ko lang ng mabuti si Sir at pinag masdan ang buong mukha nya.

Parang may kamukha sya, kamukha nya si.....Lucio?

Napatingin naman ako kay Lucio at sya naman ang pinag masdan.

Tama mag kamukha nga sila!

Kinulbit ko si Lucio sa aking tabi kaya napatingin sya sakin.

"Mag ka ano ano kayo?"

"His my father." Sagot nya.

Hindi na ko nag taka sa kanyang sinagot. Mag kamukhang magka mukha naman kasi eh. Parehas na matipuno ang katawan, maganda ang pag kaka hulma ng panga, mula ulo hanggang paa perfect! Ang swerte siguro ng Ina ni Lucio sa kanyang Ama.

Lol! Ano ba tong pinag iisip ko.

Humarap ako sa harapan kung saan nakatayo na ang ama ni Lucio na ang laki ng ngiti. "Good morning Royal Class!" Puno ng siglang bati sa amin ni Sir. Hindi ko pa alam ang pangalan nya. "If I'm not mistaken, we have new student here right?"

"Yes Sir!" Malakas na sigaw nilang lahat.

"Where is she?" Muling tanong nya kaya naman lahat ay napatingin sa akin saka ako tinuro. Humarap si Sir sa dereksyon ko. "Please come here in front and introduce your self."

Tumayo ako at nag lakad papunta sa unahan. Lahat sila ay naka tingin sa akin at tutok na tutok sa aking sasabihin.

Tss parang di ako nakapag pakilala kanina eh

"Mia Shikiro" Malamig kong wika.

"Wait! Shikiro? Shikiro means Shut up in Japanese, right?" Ramphel interrupt my introduction. "Akala ko kanina nung nag pakilala ka samin nag kamali lang ako ng dinig sa surname mo pero hindi pala." Nagulat naman ako dahil sa kanyang sinabi.

Nag bibiro ba sya? How did she know about that?

"Yes" Simpleng tugon ko sa kanya. Hindi ko na pwedeng ideny yun dahil alam na nila.

"Woah cool!" Narinig kong pag rereact ng iba.

"Mia please procide." Sabi ni Sir. Nilibot ko ang aking paningin sa buong taong narito. Para akong bata na kabado sa pag rerecite ng multiplication sa harap ng mga kaklase ko.

Ilang beses akong nag tangkang mag salita ngunit walang lumalabas na boses sa bibig ko. "Uh Mia, what is your magi?" Tanong sa akin ni Sir nung mapansin nyang wala na kong balak mag salita.

"S-sir, I don't know yet what is my magi." Halos pabulong kong wika.

Nakita ko kung paano sumibol ang pagkagulat sa itsura nilang lahat, nakarinig din ako ng sunod sunod na singhapan. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumungo at pag laruan ang king mga daliri.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now