Chapter 04: Mysterious Guy

412 64 2
                                    

"Napakaganda talaga ng ating munting prinsesa." Nakangiting saad ng isang matipunong lalaki na mala Adonis ang mukha, sa sanggol na kanyang hinehele.

Napangiti din ang magandang ginang na nakahiga sa kama na puro rosas na puti ang naka paligid. "Nawa'y maging matiwasay at maayos ang kanyang magiging buhay."

Humarap sa kanya ang lalaking may hawak nang sangol at saka pinag masdang mabuti ang napakagandang mukha ng kanyang asawa. "Gagawin ko ang lahat upang maging maayos ang ating anak, aking Reyna."

Lumapit ang lalaki sa babae at hinihiga ang sanggol na kanyang karga sa tabi nito.

Banayad itong hinaplos at pinag masdan ng babaeng tinawag na Reyna ng lalaki. "Ano ang ipapangalan natin sa kanya?" Hindi maalis nang Reyna ang kanyang tingin sa bata habang nakangiti.

Hinawakan ng lalaki ang kanyang mga palad at hinalkan ito. "Isunod natin ang pangalan nya sa ating mga magulang."

Agad na napatingin sa kanya ang babae at tila nabigla pa dahil sa sinabi ng lalaki. "Bakit mo naman yan naisip?"

"Dahil sya ang kauna-unahang anak ng mga dyos at dyosa." Walang pag aalinlangan na sagot ng lalaki kaya tumango nalang ang Reyna dito at mahigpit hinawakan ang kamay ng lalaki.

---

Napabaligwas ako ng bangon habang hinahapong hinahabol ang aking mabilis na paghinga at pag tibok ng puso pag kagising ko.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now