Chapter 32: Kumunoy

229 49 0
                                    

"Putek naman oh! Bakit kasi pumutik na dito ngayon? Pakshet kakaasar!"

"Alam mo ikaw ata yung bakla e! Kanina kapa reklamo ng reklamo dyan para putek lang yan! Jusme dapat nga ako yung mag reklamo dahil ako yung babae sating dalawa e!" Wika ni Lira.

Inismidan ni Klosh si Lira samantalang si Lira naman ay irap ang ginanti dito. Parang mga tanga!

Kanina pa kasi reklamo ng reklamo si Klosh dahil sa putik na syang nag papalubog sa mga paa nila sa putik kaya ang dudungis na nila pero patuloy padin sila sa pag lalakad. Kailangan nilang unahin ang pag hahanap kay Mia kaysa mag inarte.

"Mag pahinga nga kasi muna tayo, prinsesa ko!" Nag pout pa ito na parang nag papa awa. Mukhang talagang pagod na ito dahil sa tono ngpananalita nya.

"Anong prinsesa ko dyan? Tigilan mo ko sa kalandian mo ha! Saka bawal tayo mag pahinga sa ganitong lugar! Tingnan mo nga, sa tingin mo ba makakapag pahinga tayo kung alam nating may panganib?" Mahabang singhal sa kanya ni Lira.

"Sabi ko---"

"Shhh!" Biglang tinakpan ni Lira ang bibig ni Klosh gamit ang kanyang palad.

Nag pupumiglas ito pero hindi nya tinanggal ang palad nya. Huminto silang dalawa sa pag lalakad at pinakiramdaman ni Lira ang paligid.

"Parang may na ririnig ako!" Pag bibigay alam ni nya sa kasama.

"Teka ano ba! Wag mo ngang takpan yung bibig ko! Hahalikan naman kita kung gusto mo e!" Reklamo ni Klosh ng sa wakas ay matanggal nya ang kamay ni Lira sa kanyang bibig.

Sinamaan lang sya ng tingin ni Lira, "Naririnig mo ba yon?"

"Alin? Yung tibok ng---"

"Klosh ano ba! Mag seryoso ka nga!" Inis na sabi ni Lira dito. "Puro nalang kalokohan ang alam mo!"

"Hoy seryoso naman ako sayo--- Sh*t Lira there's a hole!"

Aligaga at gulat na sabi ni Klosh pero huli na, tuluyang nalamon ng kumunoy ang kalahating katawan ni Lira pero buti nalang ay nahawakan nya ang kamay nito kaya hindi deretsyong lumubog si Lira.

Nangibabaw ang malakas na pag sigaw ni Lira ang maririnig sa buong paligid. Tila tinakasan sya ngdugo sa buong katawan dahil na mumutla ito dahil sa kaba at takot. "Help me up here!"

"O-oo wag kang bibitaw, damn!" Bakas sa boses nito ang pag-aalala. Hinigpitan ni Klosh ang pag hawak ng kamay ni Lira at ilang beses hinila ito pataas.

Masyadong madulas kaya kaikangan nya din mag ingat dahil maari din syang mapasama sa pag lubog sa kumunoy.

"Klosh don't let me fall, please!" Paos na sabi ni Lira dito. Bakas na sa mukha nya ang sakit dahil sa malakas na pwersang pag hatak pa ibaba ng mga putik.

Naka lubog na ang kalahati ng katawan nya kaya lalong na hihirapan si Klosh na hilahin sya paitaas. Napaka daming putik din kasi ang lumulubog kaya mas lalong na babatak si Lira pa ibaba.

"Wag kang bibitaw" sabi ni Klosh at binigay ang buong pwersa nya para mahila si Lira pataas pero bigo padin sya, kahit anong gawin nya ay hindi parin sapat iyon.

Kailangan nyang makaisip ng paraan para maiahon ang kasama sa kumunoy.

"Lira, kumapit ka. Susubukan kong pagalawin ang lupa." Sabi nya at ginawa ang lagi nyang sinasanay. Ang pagalawin ang lupa gamit ang kanyang kapangyarihan.

Sandaling gumalaw ang lupa pero dahil sa ginawa nya, mas lalong lumakas ang pag higop ng kumuloy kay Lira.

"Ahh bobo mo naman Klosh!" Inis na sabi ni Lira. "Mas lalo mo lang pinalala!"

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now