Chapter 84: The Day

55 20 0
                                    


"Are you guys ready?" Tanong ni Leonder sa amin.

5am pa lang ng umaga pero gising na kaming lahat at kumakain. Kailangan kasi namin o 'nila' na kumilos ng maaga dahil titingnan pa daw namin ang set up ng mga Elite students at mag hahanda din kami sa pag dating ng kanilang magulang.

Ngayong umaga, formal attire ang isusuot namin bilang opening ng celebration. Gusto akong ipakilala ng Royalties sa mga magulang nila at masyado akong kinakabahan dahil mga Hari at Reyna ang makaka harap ko pero hindi ko alam bakit may nararamdaman din akong excitement at galak sa sistema ko.

"Everything is settled, ang kailangan nalang nating gawin ay mag hintay para sa tamang oras." Wika nya pa sa amin.

Ngumiti nalang ako at tahimik na ipinag patuloy ang pagkain ko. Sa nakalipas na araw wala naman akong nakukuhang banta o death threats para kay Kronos. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako doon o mag aalala dahil walang senyales na okay lang sya o buhay pa sya.

"Boys bilisan nyo kumain mag bibihis pa kayo." Rinig kong sabi ni Sheena.

Nakita kong naka tingin sya sa kambal pati na rin kay Zinco at Klosh, mukhang mga antok na antok pa sila at wala pang gana kumain sa ganitong kaaga na oras.

"Ang aga naman natin kumilos, 8 am pa naman ang simula ng celebration." Humikab si Klosh bago sinubo ang pagkaing nasa harapan nya.

"Kasi nga inutusan tayong i check ang lahat ng ginawa ng mga Elite." Pag bibigay alam ni Lira.

"Sabagay, wala ngayon si Ama dahil umuwi na sya sa kaharian namin kahapon. Kailangan nya daw samahan si Ina na pumunta dito." Pag tukoy ni Lucio kay Sir Lidos.

"I miss my mom. Finally makikita ko na ulit sya." Arielle said with full of joy..

Dahil sa sinabi nga ay bahagya naman akong na inggit, mabuti pa silang lahat kahit malayo sila sa magulang nila may pag asa parin silang makita at makasama ang mga ito. Eh ako? Malayo na nga sa mga magulang, wala na ata talagang pag asa na makita ko pa ulit sila. Si daddy nasa mundo ng mga tao si mommy naman patay na. Ano pang aasahan ko, hindi ba?

"Excited ka na ba?" Napatingin ako kay Thunder nang tanungin nya ako. Nasa tabi ko lang naman kasi sya, as usual.

"Yup of course." Sagot ko naman sa kanya.

"Ilang oras nalang malalaman na natin kung sino ang nag pa kidnap kay Kronos."

Huminga ako ng malalim at tiningnan sya, "Sana nga. Hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya sa oras na mahuli ko sya."

Naging tahimik kaming dalawa samantalang ang mga kasamahan namin ay panay padin ang kwentohan habang kumakain.

"Melissa…" Dahil sa tinawag sa akin ni Thunder na pangalan ay mabilis akong napatingin sa kanya na may gulat na mukha. "I hate calling you on your real name."

Simula nung inamin ko sa kanila ang tunay na pangalan ng mga magulang ko at pinabatid ko naman sa mga guro ang tunay na pangalan ko, ngayon lang ulit may tumawag sa akin sa tunay kong katauhan.

Hindi na ako nag taka kung bakit nila nalaman ang tungkol sa pangalan ko kahit na sa mga guro ko lang iyon sinabi dahil for sure ay na sabi na din nila ito sa nga Royalties.

"Promise me whatever you discover today, you will be stronger than you are right now."

Hinawakan nya ang kanang kamay kong prenteng naka lapag sa lamesa. Mainit ang kanyang palad at ang kanyang mga daliri ay bahagya akong hinahaplos haplos.

"Nandito lang ako sa tabi mo, hindi kita pababa yaan." Tumingin sya sa akin kaya naman tinitigan ko ang kanyang mga mata. Hindi ko alam pero nasilayan ko ang galit, lungkot at pag hihinagpis sa kanya pero mabilis din iyong nawala nang ngumiti sya.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now