Chapter 43: Consequences

211 47 0
                                    

Third person point of view

Sa isang tahimik na silid, merong labing apat na kamang mag kakatabi. May mga mahimbing na natutulog doong mga kabataan.

Sama sama ang lahat ng Royalties sa isang malaking kwarto pero naka hiwalay sa kanila si Mia, samantalang ang tatlong multo naman ay bumalik na muna sa kanilang mundo para doon mag pagaling

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng masahio sila ng mga taga pamahala ng Sanctuary World sa Infernum. Nakita nila ang mga ito na naka higa at walang malay sa sahig.

Dineretsyo sila sa ospital ng Sanctuary kung saan sakop ng Academy. Malaking gulat nalang ng mga doctor doon nang makitang eto ang mga anak ng nakatataas na Hari at Reyna. Kaya ng dali dali nilang binigyan ang mga ito ng paunang lunas para magamot agad.

Tumawag na din sila sa Academya at doon nalang nila nalaman na tumakas pala ang mga bata para maka labas ng paaralan. Galit na galit ang punong guro na si Randolph habang nag aalala naman ang mga kapwa nya guro at ang iba pang mga taong taga Academya.

Talagang matitigas ang ulo ng mga batang ito. Sinabihan na nya na wag makikielam sa pag hahanap kay Mia hanggat wala syang sinasabi pero sinaway padin. Kailangan nyang maturuan ng kaunting leksyon ang Royalties para mag tanda.

Sunod sunod nalang ka sutilang ginagawa ng mga bata nya. Ke-tagal tagal ng nag aaral sa Academya ngunit parang wala namang hindi naman sumusunod sa mga batas.

Kilala ang Royalties dahil sikat sila sa Sanctuary Academy. Hindi lang dahil sa anak sila ng mga Hari at Reyna, kundi dahil sila ang nag hahawak ng mga malalakas na kapangyarihang naipaman sa kanila ng kanilang mga magulang. Magaling din sila sa larangan ng pakikipag laban at pag dating sa talino at diskarte kaya naman kinahahangaan at kinaiinggitan ang mga ito.

Pero madalas naman silang sakit sa ulo ng mga guro, hindi dahil sa pasaway at makulit sila kundi dahil sa malawak nilang pag iisip. Lahat ng gusto nila ginagawa nila kaya minsan walang nagagawa ang mga guro kundi ang bigyan nalang sila ng parusa pag katapos.

Namomoblema pa nga ang mga guro kung sino-sino ang kumidnap kay Mia tapos dinag dagan pa nila. Hay mga kabataan nga naman ngayon. Mahilig nang gumawa ng bagay na bawal naman dapat gawin.q

May mga pumasok na doctor sa loob ng kwarto, mahigit sa labing lima ang mga bilang nila. Isa isa nilang chineck ang kundisyon ng mga Royalties, at dahil mahalaga sila kaya kailangan talaga matutukan ang kanilang kalusugan.

"Dr. Phillip, they're still unconscious." Pag bibigay alam nung isang doctor.

Tumango lang sa kanya ang lalaking tinawag nyang Phillio at nag lakad lakad ito upang makita ang mukha ng mga pasyenteng inaalagaan nila.

"It's okay. They still under in recovery."

Tumahimik ang lahat ng doctor at tinuloy ang pag tingin nila sa kanilang mga pasyente. Iba ang stilo ng pang gagamot sa mundong ito kumpara sa normal na mundo. Dito, literal na mga sariwang halamang gamot ang ginagamit nila at minsan lang nahahaluan ng mga kemekal, kumpara sa normal na mundo na halos gawa na sa kemekal at pinapadaan pa sa machine para lang masuri kung ayos ba.

Nakarinig sila ng tatlong sunod sunod na katok mula sa pinto kaya napatigil sila sa kanilang pag susuri at hinintay na bumukas ang pinto.

Nang mag bukas na ng tuluyan ang pinto, bumungad sa kanila ang isang maputing babae na mukhang nurse ang itsura.

"Pasensya na po mga Doc, nasa labas po kasi ang mga guro at ang headmaster ng Sanctuary Academy para bisitahin ang mga Royalties." Naka tungo nyang wika.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now