Chapter 53: Hazel Alfaro

184 46 0
                                    

"Good morning!" Bati ko sa mga kaibigan kong nag sisimula pa lang mag si gisingan.

Maaga pa naman pero kanina pa ko tumayo sa kama at nag simulang kumilos. Naka ligo na din ako kahit mamaya pa naman ang pasok namin.  Konting oras lang ang tulog ko pero ewan ko ba kung bakit hindi ako nakaka ramdam ng antok. Para kasing sinasabi ng sistema kong maging excited sa mga mang yayari ngayon.

"Ang aga mo naman." Naalimpungatang bungad sa akin ni Lira. Akala ko ay dederetsyo sya sa kusina para uminom ng tubig katulad ng lagi nyang ginagawa tuwing umaga pero sa halip na gawin nya iyon ay humilata sya sa sofa at muling umidlip. Antok pa ang loka.

"Morning!" Ram greet me back but she suddenly excuse her self. "I'll cook our breakfast first. Be right back."

"I want toasted bread and bacon lady Ram!" Milo showed up his self together with other boys.

"Wala ba talagang may balak mag luto sa inyo?" Tanong ni Sheena. Umiinom sya ng gatas habang naka tingin sa kanila.

"Masyadong ma effort pag mag luluto pa kami kaya makiki kain nalang kami dito tutal masarap naman mag luto si Ramphel." Sagot sa kanya ni Kirby.

Natahimik naman si Sheena at hindi na muling nag salita pa.

This past few weeks pansin ko ang pag iiwasan ng dalawa katulad na lang rin ng pag iwas sa akin ni Sheena. I dunno what's up with them but I know there's something fishy.

"Why parang there's missing sa inyo? Si Thunder where na sya?" Puna ni Arielle.

Doon ko nga lang napansin na kulang sila. Wala nga si Thunder, hindi nila kasama. Saan naman kaya nag punta yon?

"Pwede ba wag ka na munang mag salita Pedotim kasi agang aga pinapasakit mo ulo namin dyan sa pag kokonyo mo." Sabat ni Zinco.

"Pwede ba din don't you dare makisali to our conversation kasi you don't kasali naman!"

"Pwede ba nag sasabi lang naman talaga ako ng totoong nakaka sakit ng ulo yang taglish mo!"

"Pwede ba din po, parehas kayong manahimik dahil kung hindi itatapon ko kayo palabas ng dormitory na ito!" Awat sa kanila ni Lucio na seryosong titimpla ng kape.

Pinag masdan ko ang mukha nya at napansing ang laki ng eye bags nya. Oh-no, I know it's my fault. Kung sana lang hindi ko talaga sila pinukaw ng madaling araw para lang sabihin yung mga plano edi sana hindi sila mukhang mga walking dead ngayon. Tanga tanga mo talaga Mia!

"Nasaan na nga si Thunder?" Pag uulit ko sa tanong ni Arielle kanina. Nag panggap nalang akong kunwaring walang pakeelam para hindi na ma issue pa. Kilala ko naman sila, konting kibot lang bibigyan agad ng malisya.

"Concern sya yiieee!" Asar sakin ni Miko.

Tiningnan ko lang sya ng walang gana at inilingan, "Inulit ko lang naman yung tanong ni Arielle na walang sumagot ng matino."

"Kanina pa sya umalis. Siguro pinuntahan nya si Loreen. Ayos na ayos kasi sya, baka may date sila." Saad ni Klosh.

Date? Ang aga naman nya humarot. Hindi man lang nya naisip na may pasok kami ngayon bagkos mas inuna nya pa yung pakikipag landian sa babaeng 'yon. Ibang klase talaga ang tama ng potion na ibinigay ni Loreen sa lalaking 'yon.

Nagulat kami ng biglang pumalakpak si Hansel. Malaki ang ngiti nya at mukhang kinikilig pa. "Ang sweet talaga nila no? Mapapa 'sana all' ka nalang talaga."

Ay sus ang batang ito. Mukhang wala pang muwang sa mundo.

"Puro ka sana all, kaya walang pumapatol sayo e!" Asar ni Miko.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now