Chapter 60: Pixies

178 40 0
                                    

It's already nine o'clock in the morning but they're still on the peak of their sleep. Kanina pa tirik na tirik ang araw pero tahimik padin ang buong dorm namin at ang tanging naririnig lang talaga ay ang mga hilik ng mga kasama ko.

Kakagising ko lang din, dito na pala ako sa sofa nakatulog. Samantalang nasa sahig naman ang iba. Ang tanging wala lang ay sila Zinco, Arielle, Klosh at Lira. Siguro sa kwarto sila natulog. Wala nga din pala si Thunder, sa pag kakatanda ko ay matapos naming mag usap kagabi ay nag paalam na sya sakin na babalik na sya sa boys dormitory dahil masyado daw talaga syang naiingayan kaya hinayaan ko nalang. Ano pa nga bang aasahan sa isang yon e dakilang kill joy yon.

Hindi ko makakalimutan ang nangyari kagabi sa kambal, parehas silang natalo sa pag lalaro ng beer pong at ang tanging natira lang talaga na suot nila ay ang kanilang panloob. Lasing na lasing din naman silang dalawa. Nawala pa ang mga damit nila dahil pinag laho iyon ni Trump kaya halos maiyak na sila sa pag mamakaawa pero ang lokong si Trump ay talagang nag matigas kaya napilitan silang isuot ang dress ni Hansel na ipinahiram sa kanila. Hindi na sila nakaarte pa dahil kung di nila iyon susuutin ay mag damag silang lalamigin.

Nung natapos na ang beer party ay napuno na naman ng kung ano anong pakulo dahil sa mga pinag gagawa nila.

Punong-puno lang ng tawanan, kantahan, sayawan, at asaran ang nangyari mag damag. Sobrang saya, I swear. Buong gabi nila akong ginulat sa bawat pasabog na pinag gagawa nila. Ang dami nilang alam na mga games na talagang lahat dapat sumali. Halos puro sigawan din ang bumalot sa buong dorm kagabi dahil sa tili naming mga babae sa tuwing kami ang napag titripan ng mga lalaki.

Napaka wild talaga ng nangyari kagabi at isa lang ang masasabi ko, it was really unforgettable. Kagabi ko lang sila nakitang lahat sa ganong sitwasyon at hanggang ngayon ay nahihirapan padin akong mag move on. Imagine, ang Royalties na ginagalang ng lahat ay talagang napaka daming tinatagong kalokohan.

Dahil nga tirik na tirik na ang araw at mukhang wala padin namang balak tumayo ang mga Royalties ay nag kusa na ko. Ramdam ko ang pag sakit ng ulo ko kahit hindi naman ako nag inom, marahil ay dahil lang 'to sa pagiging kulang ko sa tulog.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Napaka kalat, mukhang na disaster 'to ng isang dosenang kabayo kagabi. Malamang, dito ba naman kami mag party syempre magugulo talaga lahat ng gamit dito.

Hindi ko nalang pinansin ang mga kalat at nag lakad na ko ng dahan dahan para mag punta sa banyo. Mag aayos na muna ako ng sarili para mamaya ay hindi na ako makikigulo sa kanila sa pan liligo nila.

Agad akong nag simula ng aking mga seremonya sa panliligo kaya mabilis lang naman akong natapos. Tinuyo ko ang katawan ko pero agad akong may naalala, hindi nga pala ako nag dala ng damit dito sa cr. Malas naman, kung kailan may mga lalaki dito sa dorm ngayon ko pa yon hindi naalala. Dito pa naman ako naligo sa main comfort room.

Nag tapis nalang ako ng towel sa katawan ko at dahan dahang binuksan ang pinto. Pinakiramdaman ko ang paligid at wala naman akong naririnig na kahit sino mula sa sala. Mukhang hindi pa naman sila gising kaya dali dali akong lumabas.

Medyo basa pa ang katawan ko at may mga tubig din na tumttulo mula sa buhok ko pero hindi ko nalang iyon inintindi. Papunta na sana ako sa kwarto pero may narinig akong bahagyang lumalagubog sa kusina, sinilip ko naman ang sala at nakita ko namang kumpleto padin silang lahat doon kaya sino naman ang nasa kusina?

Dahan dahan akong nag lakad papunta sa kusina ng hindi man lang gumagawa ng kahit na anong ingay man lang. Pag silip ko ay may nakita akong lalaking nakatalikod at naka harap sya sa may kalan na mukhang nag luluto. Hindi pamilyar sa akin ang kanyang likuran kaya atomatikong napa kunot ang noo ko.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now