CHAPTER 4 - Babe ...

Start from the beginning
                                    

Tapos na din ang klase ko for today pero meron pa akong part time job later sa isang bar malapit dito sa campus. I work there as a bartender during Tuesdays and Thursdays but the salary is not that much, kaya nag hahanap pa din ako ng iba pang trabaho.

+++

JOSEPH (Photo on media section)

Palabas na ako ng office ko ng marinig ko na naman si Belida. Simula ng makapag-usap kami kahapon at medyo nagkaayos, aba, ayaw na akong tantanan.

"Seph, sabay na tayo mag lunch." sigaw niya sakin. Naiirita talaga ako sa kanya pero mas okay na siya ngayon kaysa dati. Hindi na siya ganun ka persistent kumpara noon, lalo na nung nasa ibang bansa pa ako, wala siyang ibang ginawa kung hindi sundan ako sa lahat ng lugar na puntahan ko. The worse part is that, I can't tore face with her despite the fact that I really wanted to get away from her, because both my parents like her and they see her as someone who can be their future daughter-in-law. She even followed me back here.

Hindi ko sinagot yung tanong niya, bagkus, tinignan ko lang sya at agad na binawi din yung tingin ko at lumakad na. I feel like speaking with her is just a waste of time.

Hindi pa man ako nakaka limang habang palayo kay Belinda ay biglang pumasok sa isip ko si Anne. Kumain na kaya yun?

Gusto ko sanang tawagan si Anne pero hindi ako sigurado kung may klase pa siya kaya minabuti ko nalang na si Franz ang tawagan.

"Hello? O Joseph napatawag ka?" sagot ng nasa kabilang linya.

"ahm Fra--" di ko pa man natatapos eh sumagot na siya ulit.

"Kung tatanungin mo ako tungkol kay Anne, o kausapin mo nalang sya!" galit ata. sabay maya maya narinig ko si Anne.

"Hello, bakit?" pag ka rinig ko ng boses nya parang nabingi ako saglit.

"Babe ..." tama yan ang nasabi ko, na alala ko kasi nakabunot nga pala sakin si Belinda. "Kumain ka na? sabay tayo mag lunch." Sinikap kong hindi mag stutter para naman convincing sa pandinig ni Belinda.

" Oo eh, 30 mins lang kasi yung break naming since tuloy-tuloy yung class." Mababakas pa sa boses niya ang pagka hiya. Napangiti naman ako nang maimagine kung gaano kapula ang pisngi niya.

"Ah ganun ba? Sige next time nalang. Nga pala don't forget yung interview nyo later ah. Goodluck." Hindi na sya sumagot kasi narinig kong naputol na yung line.

Haay bakit parang kinakabahan ata ako. Parang may hindi magandang mangyayari.

Normally sila Belinda lang ang nag iinterview sa mga applicants pero nung nakaraan parang sinadya ng pag kakataon na mapadaan ako sa conference at makita yung CV (curriculum vitae ) ni Anne kaya nag insist ako noon na ako mag i-interview sa kanya. Pag kakataon nga naman.

+++

MIGS

Tanghali na ako nagising kasi may gig kami kagabi sa may B-Side. Pero masyado pa ring maaga kaysa sa usual kong gising, siguro kasi excited ako para sa benefit concert mamaya.

First time na manonood si dad sa performance namin, tapos andun pa si Marianne tsaka si kuya. Kinakabahan ako. Puntahan ko nalang muna si Rico, malamang gising na yun.

Pag dating ko sa bahay nila Rico, sabi ni Manang tulog pa daw, pero since kilala na naman ako dito pinapasok na din ako ni manang. Parang pangalawang bahay ko na din ito eh, madalas ako dito kasi nga bestfriend ko si Rico, tsaka madalas kasi walang tao sa bahay kaya lagi ako nandito sa kanila.

Pag dating ko sa kwarto niya , di na ako kumatok at dirediretso lang sa loob. Nakita ko'ng tulog pa talaga siya.

Natawa nalang ako sa posisyon niya, hawak hawak pa din kasi niya iyong cellphone niya at nakaposisyon malapit sa tainga. Nakatulugan na naman siguro niya iyong kausap niya.

Bukod kasi sa pagiging drummer niya sa band ay siya rin ang asst. manager. Siguro kinukulit na naman siya noong manager namin.

Nilapitan ko sya para gisingin.

"Rico!!! Gising na!!!" Sigaw ko sa kanya kaya naman napabalikwas siya at napaupo.

"Bakit ba? Kita nang natutulog pa yung tao eh." Pupungaspungas nyang sagot.

"Alas tres na tulog kapa?" sagot ko kahit ang totoo alas dose palang.

Tumingin siya sa relos nya, at biglang humiga ulit. Hinayaan ko nalang siya tapos humiga ako dun sa couch at binuksan yung tv at nilakasan ang volume.

"Ano ba kaylangan mo?" tanong nya sakin habang nakapikit padin at nakahiga. Haha suplado talaga to pag bagong gising. Di ko sya sinagot.

Mga 30 mins din ang nakalipas bago bumangon si Rico. Wala na siyang magagawa alam niyang di ko siya titigilan eh. Dumiretso siya sa restroom tapos paglabas niya, inaya niya ako sa baba para kumain.

"Kinakabahan ka no?" tanong nya sa kin habang kumakain kami.

Di ko sya nilingon, tuloy lang ako sa pag kain.

"Gusto mo bang mag practice muna ulit tayo bago pumunta sa venue?" kilala lang talaga ako ng taong to. Bukod kay Marianne, sya lang ata yung kayang basahin ang iniisip ko.

" Kahit wag na. besides, it's just another concert." Cool na pag tanggi ko sa alok niya.

"Just another concert? Eh ikaw nga nag sabi sakin na di lang to basta concert eh. Ako pa niloko mo. Tatawagan ko sila papapuntahin ko sa studio tapos practice tayo ng 1 last set then kitakits nalang sa venue an hour before the call time." Mahabang litanya niya.

"Ikaw bahala." Mahinang tugon ko habang patuloy pa din sa pagkain ng masarap na luto ni Manang.

After namin kumain tinawagan na niya yung iba tapos ilang sandali lang ay pumunta na din kami sa studio.

Sana naman walang maging aberya. Medyo iba din kasi yung tutugtugin namin ngayon, medyo light lang kesa sa usual naming tugtugan kasi puro mayayaman yung nandun kaylangang ibagay sa audience, kaya puro acoustic yung tutugtugin namin. Di naman kasi pwedeng mag headbang yung mga manonood eh.

The KeeperWhere stories live. Discover now