Lumapit sa kanila ni Ana si Jessa at binigyan ng plato sila. Nilingon ni Samuela ang mga kasamang bodyguards.

"Ah! Ito nga pala si Gregory, Ben at Hans..." Pakilala niya.

Nahihiya namang ngumiti at kumaway si Ana.

"Happy Birthday, Ana." Bati ni Gregory at naglahad ng kamay sa dalaga.

Namula naman ang pisngi ni Ana at tinanggap iyon. Lumapit pa ito para mas marinig ang sinabi ni Gregory. Lihim na umismid si Samuela.

Tumungo na lang siya sa buffet at iniwan si Gregory na balak pa yatang makipaglandian kay Ana. Kumuha lang siya ng kaunting pagkain.

Tinawag siya ng ilan pang abogado sa office nila. Lumapit siya sa table ng mga ito.  May isang upuang nilahad ang mga ito sa harapan ni Stephen at Rachel.

Oh, great! Mura niya sa isipan. Peke ang mga ngiti niyang umupo doon. Kitang kita niya ang inis sa mukha ni Rachel na hindi niya pinatulan.

"I heard about what happened to you, Samuela. Are you okay now?" Tanong noong isa.

Tumango si Samuela rito.

"Yes." Sagot niya at sinubukang kumain.

"Naku! Kung sa akin nangyari iyon baka hindi na ako pumasok pa. Nakakatakot 'yon. May pinatay sa mismong harapan mo..." Iling noong isang babaeng abogado.

Kinagat ni Samuela ang labi niya.

"I was so shocked too, Rica. But thankfully, Major Querio's quick to respond. He made me comfortable throughout the investigation." She assured.

Mababang tumikhim si Stephen at uminom ng tubig. Sinulyapan niya ito at nag-iwas ng tingin.

"Naku! Mabuti na nga lang. Bakit hindi ko na nakikita 'yon dito? Bago na nagbabantay sayo." Sabi ni Rica at sinulyapan si Gregory na nakikipagtawanan sa ilang babaeng empleyado.

"Baka nagsawa na..." Bulong ni Rachel na ikinagulat ng lahat.

Nagtaas ito ng tingin sa lahat ng nasa table at agad na ngumiti.

"Ah... ang ibig kong sabihin ay baka nagsawa na siya sa trabaho kaya pinalitan?"

Hindi maiwasan ni Samuela na kumulo ang dugo niya. Now, that she's Stephen's girlfriend, ganito na siya makitungo. How rude.

"Hindi naman, Rachel. He picks me up after work. Hinahatid rin ako dito." Ani Samuela at ngumiti.

Ngumuso ang mga nakikinig. Nahahalat nila ang tensyong nabubuo sa lamesa. Pinakita ni Samuela na hindi siya naapektuhan doon at nagpatuloy sa pagkain.

"We know. Ang bilis mo nga nakamove on. Kayo na ba?" Tawa ni Rachel na para bang close sila.

Tumigil si Samuela sa pagsubo at ngumisi dito. Really, this woman is getting on her nerves.

"I don't disclose personal informations to anyone, Rachel. Lalo na kung hindi ko ka-close. Sorry." She said and smiled.

Tumawa ng hilaw ang ilang naroon. Tumikhim si Stephen na seryoso ngayong nakatitig sa pagkain niya bago binalingan si Rachel.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now