PROLOGUE

7.1K 105 9
                                        

Prologue

"Franz bilisan mo! Baka maabutan nila tayo." Pabulong na usal ni Anne sa kasama.

"Anne, pagod na ko. Di na kayang itakbo ang mga paa ko, mauna kana iwan mo na ko, magtatago nalang ako, just make sure na makakapag sumbong ka sa mga pulis tapos balikan mo nalang ako." Hingal na sagot ni Franz sa kaibigang pagod na din sa pag takbo.

"Sige. Basta galingan mo pag tago ah. Promise me you'll never get caught."

"Promise!" nakataas pa ang kanang kamay at tumakbo na sila sa mag kaibang direksyon. Si Franz para magtago. Si Anne naman para tumakbo palayo at makapagsumbong sa kinauukulan.

Tumakbo si Anne hanggang sa makarinig sya ng tila kasiyahan sa di kalayuan. Tumakbo sya patungo doon ngunit ng malapit na sya sa harap ng Clubhouse na pinagmumulan ng ingay ay napansin nya ang mga lalaking nakaitim na syang humahabol sa kanila kanina. Palinga linga ito at tila may hinahanap.

"Akala nyo mahuhuli nyo ko huh!" pabulong na sabi ni Anne sabay takbo papunta sa likod ng Clubhouse.

"Siguro may mga mayayamang nagpaparty ngayon. Di naman siguro ako mapapansin kung mag gagate crash ako." usal nya sa sarili habang nag hahanap ng pwedeng madaanan.

"Haha magagamit ko na rin ang mga napagaralan namin sa ROTC." Usal nya habang hila ang isang drum na malaki papunta sa may gilid ng pader. Tumuntong siya roon at inakyat ang pader sabay talon sa kabilang panig ng hindi man lang tiningnan ang babagsakan. Huli na ng marealize nyang napaka careless niya para tumalon ng hindi alam ang babagsakan.

Sa kabilang bahagi naman ng pader ay naroon si Migs. "Nakakaasar ngayon pa ako kinabahan, as if naman first time kong tutugtog." Usal ni Migs sa sarili habang nag sisindi ng sigarilyo.

"Aaaahhh" sigaw ni babae habang pabagsak sa kanya mula sa mataas na pader.

Nang marinig ni Migs ang sigaw at huli na ang lahat para makaiwas pa sya sa babaeng pabagsak. Sa gulat nya ay tinangka pa nyang saluhin ang babae ngunit huli na ang lahat. "Argh" sigaw nya ng bagsakan sya ng babae.

Sobrang bilis ng pangyayari akala ni Anne ay patay na sya ngunit naputol lang ang isipin nyang yon ng marinig ang ungol ng isang lalaki. Pagdilat ng kanyang mata halos mawala sya sa sarili ng makita ang posisyon nila ng pamilyar na lalaki. Nakatuon ang mga kamay nya sa balikat ng lalaki habang nakadagan sa dibdib nito. Ang isang kamay ng lalaki ay nakahawak sa kanyang mga baywang habang ang isa naman ay nadaganan ng kanyang paa.

"Aaaaaahhhhh" sigaw ni Anne sabay mabilis na tumayo sa pagkakadagan nya sa lalaki.

"Aaaahhhh" sigaw din ng lalaki pagkasigaw ni Anne.

"Sino ka? Bakit sa bakod ka galing? Gate crasher ka 'no?" sunod-sunod na tanong ni Migs habang iniinda ang sakit ng kanang kamay na nadaganan ng babae.

"Teka lang, ano, hindi ako gate crasher..."

"Eh bakit sa bakod ka dumaan? Aber?" putol ni Migs sa sagot ni Anne

"Teka nga sabi mag papaliwanag ako! Ayaw mo kasi ako patapusin eh." Irita nang sagot ni Anne kay Migs.

"may humahabol sakin, nasa harap sila ng gate kaya dito ako sa likod duma-" di na natapos ang sagot ni Anne napansin kasi nya ang mga lalaking nakaitim na papunta na sa kinatatayuan nila. Tumakbo na syang palayo at iniwan si Migs.

"teka huy! San ka pupunta? Miss...!"

Sa pag mamadali ni Anne ay di na nya napansing nahulog ang wallet nya. Napulot iyon ni Migs.

"Ana Miranda pala ah. Humanda ka sakin." Wika ni Migs habang hawak ang ID na hinugot nya mula sa wallet.

The KeeperWhere stories live. Discover now