CHAPTER 27: SUNDATE

92 33 2
                                    

L U N A

Nandito kami ngayon ni Daddy sa Jollibee at nakapila sa counter. Tinanong na ako ni Daddy kung anong gusto kong kainin. Ang hirap pumili, ang sarap kasi lahat. Hindi ba pwede lahat ng 'yan bilhin namin? Muli akong tumingin sa menu at inagaw ng atensyon ko ang malaking litrato ng Chicken Joy.

"Dad, Chicken Joy na lang po." Umalis na ako sa counter at humanap na ng table. Hindi pa ako nakakalayo, narinig ko ang boses ni Althea. Akala ko noong una, nagkamali lang ako sa narinig ko.

"Welcome to Jollibee!" Masiglang bati ni Althea. Napalingon ako at confirm! Dito nagtatrabaho si Althea. 'Wag niya sana akong ilaglag.

Please, Althea. Wala kang sasabihin kay Daddy tungkol sa camping natin kung hindi lagot ako. Nagtago ako sa isang sulok at pinakinggan ang usapan nila.

"Althea, kaklase ka ni Luna, hindi ba?" Tanong ni Daddy.

"Opo," sagot nito.

"Kumusta ka naman? Bakit ka nagtatrabaho rito?" Tanong muli ni Dad.

"Financial problem po, Tito. Kulang po ang pangmatrikula ko. Alam mo, Tito, nakasama ko pa lang po si Luna ka−" Hindi na natuloy ni Althea ang kanyang sasabihin dahil may sumigaw na isang galit na costumer.

"Hoy! Tama na ang chismisan! Kanina pa kami nakapila rito!" sigaw ng customer kay Althea.

"Pasensiya na po," sabi ni Daddy sa costumer na nasa likod niya at sinabi na niya ang kanyang order.

Matapos kaming kumain ni Daddy, napagdesisyunan naming mag-shopping. Marami-rami na rin akong napiling mga damit at gamit. Natatanaw ko na ang pagrereklamo sa mukha ni Daddy.

"Luna, kailangan mo ba lahat ng ito?" Tanong ni Daddy habang dala-dala ang limang box ng sapatos.

"Ngayon na lang po tayo ulit nakapag-shopping eh," sagot ko sa kanya.

"Alam ko naman 'yon, but five pairs of shoes? Are they that necessary? Dalawa lang paa mo, anak." Sermon sa akin ni Daddy.

"Para kapag may iba't ibang gala kami ng mga kaibigan ko, ready po ako. Para rin po hindi pare-pareho ang mga sinusuot ko." Nginitian ko na lang siya para payagan niya na akong bilhin ang mga 'to.

"Wow! Dalaga na talaga ang anak ko," sabi ni Daddy at umupo sa tabi ko. Pinagmamasdan ko ang repleksiyon naming dalawa ni Daddy sa isang malaking salamin.

"Daddy, nagkakaputing buhok ka na. Stress ka ba sa work?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako stress sa work, anak. Stress ako sa anak ko," sabi niya sabay tawa. Bakit naman siya ma-stress sa maganda niyang anak? Sabagay, andami ko nga pa lang nagawang krimen sa kanya these past few days.

"Kamukha mo talaga ang Mommy mo," biglang sambit nito.

"Syempre, mana ako sa kanya," sagot ko sabay hair-flip. At dahil stress siya sa maganda niyang anak, naisipan ko siyang regaluhan. "Tara Dad, I'm going to buy you a gift."

"May nakain ka bang hindi dapat kainin?" Tanong sa akin ni Dad dahil minsan ko lang naman siya i-treat.

Niyaya niya ako na lumabas na sa shop na 'to nang biglang sumigaw ang isa sa mga sales lady, "Sandali lang po! Hindi pa po bayad ang mga 'yan!" Sabay habol nito sa amin. Bumalik kami at dumaretsong cashier. Binayaran ko ang mga pinamili ko, gamit ang sarili kong ipon. Ayaw kong dumagdag pa ako sa mga gastusin ni Daddy.

Lumipat na kami ng shop at kasalukuyang pumipili ng iba't ibang kulay ng polo shirts at longsleeves si Daddy.

"Wow, Dad! Mukha kang business man sa suot mo ah," Pang-aasar ko sa kanya.

"Oo nga, 'nak! Kaso ang laki ng tiyan ko oh. Paano ko ita-tuck-in?" Tanong niya sa 'kin habang pinipilit niyang ipitin ang tiyan niya.

"Mag exercise ka na po kasi," asar ko pa sa kanya at sabay turo sa tiyan niyang malaki.

"Ha? Ano kamo? Mag extra rice pa ako?" Si Daddy talaga oh. Makalipas ang ilang oras ng pagpili niya, ako naman ang nagbitbit ng paper bags na pinamili namin at nagbayad na kami agad this time.

Lumabas na kami ni Daddy at nagtungo sa isang park sa likod ng mall. Maraming mga bata ang naglalaro sa playground at maraming pamilya ang nagpipicnic.

"Anak, doon tayo sa may swing, habang walang nakaupo," pagyaya ni Daddy sa 'kin. Pumunta kami sa swing at umupo ako sa may bakante. Tinutulak naman ako nang mahina ni Daddy.

Pinagmamasdan ko ang unti-unting paglubog ng araw at ang pagiging kulay kahel ng kalangitan. Dahan-dahang tinatangay ng hangin ang maiksi kong buhok. Pumikit ako upang damhin ang bawat dampa ng hangin at muli pumasok sa isipan ko ang nakaraan.

***

Pauwi na kami ni Daddy, habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay may nakita akong isang batang lalaking karga ng tatay niya habang ang nanay nito ay kinukuhanan sila ng litrato. Marami rin silang pagkaing nakalapag sa isang tela. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makitang natumba ang mag-ama dahil natisod ang tatay sa isang palaruan. Tumawa nang malakas ang tatay at pingot naman ang natanggap sa kanyang asawa. Tumayo ang lalaki at sabay binuhat ang asawa.

Tapos niyang ibaba ang asawa niya ay nagyakap ang tatlo. "Anak, let's go," Pagtawag ni Daddy sa 'kin. Hinawakan ko ang kamay niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Bago kami umalis, tumingin muli ako sa direksyon nila at nagtama ang mata namin ng batang lalaking kasing edad ko lamang. Ngumiti siya sa 'kin at tinuro ang kanyang sarili. Nakita kong bumukas ang kanyang bibig na tila may sinasabi sa akin. Hinila na ako ni Daddy at naglakad na palayo.

***

Iminulat ko na ang mga mata ko nang itinigil ni Daddy ang pag-swing sa akin. Tumingin si Dad sa kanyang relo, "'Nak, it's getting late. Let's go home."

"Sige po, Dad." Habang naglalakad kami papuntang parking lot, narinig kong tumunog ang sikmura ko, "Anong dinner po natin mamaya?"

"Gutom na naman ba ang prinsesa ko?" tanong ni Daddy.

Natanaw ko na ang sasakyan namin, "Opo, Dad. May bulate na yata 'tong tiyan ko."

"Baka dragon na laman niyan, hindi na bulate," pagbibiro ni Dad sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan at inalalayan niyang makapasok.

"Dad, let's do this more often," Anya ng maganda niyang anak.

"Sure, it's my pleasure. Next time beach naman tayo. Sama natin si Amethyst," sabi niya sa 'kin.

"Talaga, Dad?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Kapag nagkaroon ng time. Alam mo namang busy ang Daddy sa work. May pool naman tayo sa bahay, mag-uuwi na lang akong puting buhangin galing sa construction site," tugon niya habang inaayos ang seat belt niya.

"Daddy naman eh!"

"Pinapatawa ka lang. Lagi ka kasing nakasimangot," sabi niya at nagmaneho na. Kinuha ko ang sunglasses ko at binuksan ang radyo ng kotse.

~He was my love
My love My everything
We used to cry together back then
We wanted to smile together, around the world
We wanted it all
But one sunset
We decided to be happy~

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Kde žijí příběhy. Začni objevovat